(Kabacan,
North Cotabato/ August 14, 2013) ---Isang uri ng pampasabog ang narekober
ngayong umaga lamang sa bahagi ng Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato
alas 6:10 ngayong umaga.
Sa
report na ipinarating sa DXVL News ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan
PNP isang handgrenade ang nakita habang nagpapatrol ang PNP at sundalo sa
nasabing lugar.
Di
naman sumabog ang nasabing Granada na ngayon ay nasa pag-iingat nan g Kabacan
PNP at ng EOD team.
Matatandaan
na ngayong araw ay magsisimula na ang ilang mga aktibidad ng ika-66th
na taong pagkakatatag ng Kabacan dahilan kungbakit din hinigpitan ang seguridad
sa bayan ng Kabacan.
Matatandaan
na nito lamang ay dalawang grenade launcher ang pinasabog sa bayan at ang
pinakahuli dito ay ang Comelec office na nasa Municipal compound ang tinamaan.
Wala
namang may naiulat na nasawi o nasugatan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento