Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Patrol Operation at Intel gathering, pinalalakas ng Kabacan PNP matapos ang sunod-sunod na pagpapasabog sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ---Sinabi ngayon sa DXVL News ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na pinalalakas na nila ngayon ang patrol operation kahit gabi at ang intelligence gathering, para mabatid kung anung grupo ang nasa likod ng gumagawa ng kaguluhan sa bayan.

Aniya, patuloy pa rin ngayon ang kanilang intel gathering para matumbok nila ang mga responsible sa nasabing krimen.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang inihayag na deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa mga otoridad na higpitan ang seguridad sa lugar.

Sa ngayon maliban sa police visibility at patrol operation ay nagpatupad na rin ng curfew hour ang LGU Kabacan, partikular na sa mga minor de edad.

Mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang ipapatupad na curfew hours.

Kaugnay nito, huhulihin ng mga pulisya ang mga minor de edad na pakalat-kalat sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.

Bukod dito, sinabi ni Maribojo na nagsasagawa na rin sila ng operasyon sa mga video K houses sa Poblacion, Kabacan na walang permit to operate at ipapahinto nila ang nasabing mga establisismento. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento