Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sasakyan sa Kidapawan City, lumiyab!

(Kidapawan City/ August 17, 2013) ---Nagdulot ng pagkabahala sa ilangmga residente ang pagliyab ng isang sasakyan sa harap ng isang department store sa Quezon Boulevard, Kidapawan City ala 1:00 kanina.

Mismong kawani ng USM-Kabacan Main campus ang nagreport sa DXVL sa nangyari na mabilis rin niyang ipinarating sa kinauukulan.
Kinilala ang may-ari ng sasakyan na si SPO1 Renato Continedo, residente ng Magpet, North Cotabato na kasalukuyang naka-destino sa Magpet Municipal Police Station.

Naging tensyunado ang lugar makaraang lumiyab ang nasabing sasakyan.

Akala kasi ng marami na may lamang eksposibo ang nasabing sasakyan.

Sa pagsisiyasat ng mga Bureau Of Fire Protection, nabatid na faulty electrical wiring ang dahilan ng pagliyab ng sasakyan. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento