Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Coordinating conference, isinasagawa bilang paghahanda sa pagsisimula ng Founding Anniversary ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Isinasagawa ngayong hapon ang Coordinating conference sa munisipyo bilang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa pagsisimula ng mga aktibidad sa ika-66 na taong pagakakatatag ng bayan ng Kabacan.

Sinabi ngayong umaga sa DXVL News ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na pinaplantsa na nila sa kasalukuyan ang binalangkas na security plan para sa buong linggong selebrasyon ng kapiestahan ng Kabacan.

Aniya, maliban sa pakikipag-ugnayan sa PNP, nagpadagdag na rin siya ng pwersa sa kanyang mga tauhan na ipapakalat araw at gabi sa mga lugar kungsaan gagawin ang aktibidad.

Nabatid na magsisimula na bukas ang ilang mga aktibidad para sa nasabing selebrasyon kabilang na dito ang Tree Growing na pangungunahan ng MENRO at ang employment Caravan at Jobs Fair and Anti-illegal recruitment campaign.


Sa ngayon may mga BPAT at mga elemento na ng pulisya na ipapakalat sa lahat ng sulok ng Poblacion maliban pa sa police visibility sa mga matataong lugar, kagaya ng Munisipyo, parke, pamilihang bayan, palengke, terminal at maging sa USM Avenue. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento