(Carmen, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Carmen, North Cotabato pasado alas 12:00 ng madaling-araw kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Carmen, North Cotabato.
Sinabi ng PHIVOLCS na naitala ang sentro ng lindol sa kanluran ng Carmen, North Cotabato dakong 12:20 kaninang madaling-araw.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 001.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
4.4 magnitude na lindol, yumanig sa Carmen, North Cotabato
Martes, Agosto 13, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento