Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Transaksiyon sa Comelec Kabacan, pansamantalang naantala matapos pasabugan ang nasabing opisina

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ---Pansamantalang nahinto ang transaksiyon ngayong araw sa Comelec Kabacan matapos na tamaan ng bala ng 40MM grenade launcher ang nasabing opisina.

Batay sa intel report, posibleng iisang grupo lamang ang may gawa ng nasabing pagpapasabog dahil kaparehong bala ang ginamit ng mga suspek na kahalintulad sa narekober din sa bahay ni Eddie Antolin matapos na pasabugan din ang kanilang bahay noong Biyernes ng gabi.
Malaki ang paniniwala ni Maribojo na posibleng ang Municipal Hall ang target ng pagpapasabog pero sumimplang umano ang pagbaril ng projectile ng grenade launcher at tumama at tumama sa comelec Kabacan.

Sa ngayon may sinusundan ng grupo ang mga otoridad sa nasabing pagpapasabog.

Samantala sa iba pang mga balita, isang 80-anyos na lola ang dumulog sa DXVL ngayong umaga upang humingi ng tulong sa mga taong may bukas puso.

Ito dahil sa wala umanong kakayahan ang kanyang pamankin na bayaran ang kanilang bills sa USM hospital na nanganak kagabi.

Bukod dito, ay ini-refer na rin ng DXVL ang nasabing sumbong sa MWSDO Kabacan para matulungan ang mga ito. (Rhoderick Beñez)








0 comments:

Mag-post ng isang Komento