(Kabacan, North Cotabato/ August 15, 2013) ---Nakahandang magbigay
si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa simumang makapagturo sa mga responsable sa
mga pambobomba sa bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyal ang nasabing hakbang matapos ang pagkakarekober
na naman ng panibagong pampasabog na isang granada na 40mm sa
bahagi ng Purok Krislam, Kabacan, Cotabato alas 6:10 kahapon ng umaga.
Ayon kay PCInps. Jordine
Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nakita ang nasabing pampasabog habang nagsasagawa
ng pagpapatrol ang mga elemento ng Kabacan PNP, mga sundalo at ng EOD
team.
Ang lugar kungsaan
narekober ang nasabing pampasabog ay tinaguriang “Drug den” sa
Kabacan.
Ang pagkakarekober ng
40mm na granada ay dalawang araw matapos na sumabog din ang bala ng grenade
launcher sa bubong ng Comelec Office na nagresulta sa pagkakasira ng kisame ng
opisina.
Di naman sumabog ang
nasabing granada na ngayon ay nasa pag-iingat na ng Kabacan PNP at ng EOD team.
Matatandaan na ngayong
araw ay magsisimula na ang ilang mga aktibidad ng ika-66th na
taong pagkakatatag ng Kabacan dahilan kung bakit hinigpitan ang seguridad sa
bayan ng
Kabacan.
Nabatid na nasa
Municipal hall namalagi si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ng mangyari ang insedente.
Patuloy ngayon ang
ginagawang imbestigasyon ngmga otoridad kung may kaugnayan ang narekober na
Granada sa mga magkakasunod na pagsabog sa Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento