(Midsayap,
North Cotabato/ August 16, 2013) ---Gaganapin ngayong a-24 ng Agosto ang isang
special general membership assembly ng mga konsumidores ng Cotabato Electric
Cooperative o COTELCO- PPALMA.
Nabatid na isasagawa ang pagpupulong sa
Midsayap Municipal Gymnasium sa ganap na ala- una ng hapon.
Layon ng nasabing asembliya na muling
ikonsulta sa member-consumers ang pagkuha ng sariling legislative franchise ng
kooperatiba, ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.
Noong nakaraang buwan, sa ginawang Annual
General Membership Assembly ng COTELCO sa Matalam, North Cotabato ay
napagkayariang payagan ang COTELCO-PPALMA na kumuha ng sarili nitong prangkisa.
Samantala, sumulat na umano si
COTELCO-PPALMA OIC- General Manager Felix Canja kay Rep. Jesus Sacdalan upang
imbitahin ang opisyal at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng sariling legislative franchise ng kooperatiba.
Hnimok naman ni Canja ang mga konsumidores
ng COTELCO-PPALMA na dumalo sa asembliya.
Sa
kasalukuyan, ang COTELCO-PPALMA ay itinuturing na ‘separate business unit ng
COTELCO Main.
Siniserbisyuhan
nito ang mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap, at
Aleosan sa unang distrito ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento