Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Flash Report: Launcher grenade, muling sumabog sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 12, 2013) ----Patuloy ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan sa panibagong pagsabog na nangyari kaninang madaling araw.                                                                          

Batay sa nakalap na impormasyon ng DXVL News mula sa LGU Kabacan isang launcher grenade ang sumabog sa bubong ng Comelec Office ng Kabacan na nasa Municipal Compound alas 2:46 kaninang madaling araw.


Wasak ang nasabing bubong habang inaalam pa ang ilang mga napinsala sa loob ng nasabing tanggapan.

Hindi pa umano napasok ng PNP ang nasabing opisina kaninang madaling araw dahil sa sarado pa ito.                                                      

Agad na kinordon ngayong umaga ang nasabing tanggapan habang inaalam pa ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pagpapasabog.                                               

Wala namang may nasawi o nasaktan sa nasabing pagsabog.                                          Matatandaan na nitong Biyernes ng gabi ay ginulantang din ng pagsabog ang bayan na ikinasugat ng apat katao.

Ito na ang ikalawang pagsabog sa bayan sa loob lamang ng isang linggo.

Samantala sa iba pang mga balita, isang 80-anyos na lola ang dumulog sa DXVL ngayong umaga upang humingi ng tulong sa mga taong may bukas puso. 
                                    
Ito dahil sa wala umanong kakayahan ang kanyang pamankin na bayaran ang kanilang bills sa USM hospital na nanganak kagabi.                                                                       

Bukod dito, ay ini-refer na rin ng DXVL ang nasabing sumbong sa MWSDO Kabacan para matulungan ang mga ito. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento