Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

61-anyos, ikinasal sa Kasalang Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 16, 2013) --- Kabilang ang 61 at 49-anyos na magpares ang ikinasal kahapon sa Kasalan ng Bayan ng Kabacan bilang bahagi ng aktibidad ng 66th Founding Anniversary ng Kabacan, North Cotabato.

Sina Salvador O. Barnizo at Evangeline P. Estilloso na tubong Barangay Tamped ay isa sa 107 na pares na nakakuha ng kanilang marriage contract. 


Ang barangay Tamped ang may pinakamaraming magnobyo ang tumugon sa Kasalan kaya naman minabuti ng Municipal Pre-Marriage Counseling Team na umakyat at doon ginanap ang Pre-Marriage Counselling para sa Apat-napong pares.

Ang kasalan ng bayan 2013 ay isang paraan ng Lokal Government Unit ng Kabacan, sa pamumuno ni Hon. Herlo P. Guzman upang mabigyan ng importansya ang kahalagahan ng kasal. 

Isa rin itong paraan ng LGU Kabacan na mapangalagaan ang karapatan ng magnobyo na matagal ng nagsasama na mabigyan ng legal na basehan ang kanilang relasyon. 

Ito ay ayon na rin sa Family Code of the Philippines at PD 1083.

Ayon pa sa alkalde, isa sa mga dahilan kung bakit umabot ng matagal na panahon ang pagsasama ay dahil sa kakulangan sa pera na panggastos sa pagkuha pa lamang ng mga kaukulang papeles.

Kaya naman, siniguro ng LGU na sasagutin lahat ang gastusin sa nasabing kasalan. 

Isa itong malawakang inisiatibo na ginagawa ngayon ng LGU Kabacan upang matugunan ang sosyal at ekonomikal na pangangailangan ng mga tao sa bayan ng Kabacan.

Ang 107 na pares ay nakatanggap na cake, lunch packs, mga regalo at ang kanilang marriage contracts. (Rhoderick Beñez with reports from Sarah Jane Guerrero)

    

0 comments:

Mag-post ng isang Komento