Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasong isinampa kontra sa nagpadala ng chocolate bars na may lamang shabu sa preso sa Amas, Kidapawan City, ibinasura

(Kidapawan City/ September 14, 2013) ---Ibinasura ng City Prosecutor sa lungsod ng Kidapawan ang kasong drug trafficking laban sa nagpadala ng package na may lamang shabu sa isang preso na nasa Amas Provincial Jail.

Ayon kay City Prosecutor Christine Prudenciado technicality ang dahilan kung bakit na-i-dismiss ang nasabing kaso laban kauy Jennifer Arnaiz, na sinasabing nagpadala ng package na may lamang shabu kay Jason James Arnaiz, na inmate ng Cotabato Provincial Rehabilitation Center.

IA performers pinarangalan sa ika- 51 anibersaryo ng NIA-LibRIS

(Midsayap, North Cotabato/ September 14, 2013) ---Kasabay ng pagdiriwang nitong Biyernes ng ika-51 anibersaryo ng National Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LiRIS ay kinilala ang mga irrigators’ associations o IAs na nagpakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.

Sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Rivera Bautista, nakamit ng LibRIS Division-6 IA ang Most Outstanding IA award dahil sa 104.93% na functionality survey rating nito.

8 barangay sa Kidapawan city, isinailalim sa ‘areas of concern’ hinggil sa extortion activities ng mga NPA

(Kidapawan City/ September 14, 2013) ---Inilagay ngayon sa ‘areas of concern’ ang walo mula sa apa’t na pung mga barangay sa Kidapawan City hinggil sa diumanoy extortion ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA.

Ang mga natukoy na barangay ay ang San Roque, San Isidro, Sto. Nino, Linangkob, Katipunan, Malinan, Marbel at Sikitan ito batay sa data na inilabas ng mga sundalo mula sa Task Force Cotabato.

North Cotabato Gov. Taliá¹…o-Mendoza lumagda sa commitment signing ng RDRRMC 12

(Amas, Kidapawan city/ September 14, 2013) ---Kabilang si North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” J. Taliá¹…o-Mendoza sa mga local chief executives mula sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon 12 sa mga lumagda sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 12 summit commitment signing na ginanap sa Phela Grande Convention Center kamakalawa.

Ang naturang summit ay ginawa upang makabigay ng updates ang mga local chief executives tulad ng mga governors, mayors at iba pa patungkol sa mga ipinatutupad na disaster risk reduction programs at disaster preparedness sa kanilang mga lugar.

2 annexes ng FAB, ipapaliwanag sa mga mag-aaral

(Midsayap, North Cotabato/ September 13, 2013) ----Tatalakayin ang dalawang annexes ng Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB sa gagawing lecture-forum sa Southern Christian College o SCC sa Midsayap, North Cotabato ngayong Setyembre a-20.

Ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista bibigyan diin dito ang Power Sharing at Wealth Sharing.

7 partisipante, ninakawan

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Pitong mga partisipante ng isang training seminar sa ATI na nasa USMARC, USM compound ang ninakawan ng gamit habang kasagsagan ng ginagawang lecture.

Ayon sa report, inilagay ng mga partisipante ang kanilang gamit na bag sa loob ng kanilang headquarters, pero ang di nila alam ay hindi pala napadlock ng room attendant ang kanilang silid.

Sugatan sa Pagsabog sa Pikit, NCot; umakyat na sa 4; Extortion sinusundanag anggulo naman sa pagpapasabog sa buy and sell sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Extortion ang sinusundang motibo ni PCInsp. Jordine Maribojo sa panibagong pagpapasabog ng granada sa may Guanzon’s Buy and sell na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, cotabato alas 11:30 kahapon ng umaga.

Bagama’t walang nasawi o nasaktan sa nasabing pagpapasabog nagdulot naman ito ng takot at pangamba sa mag residente sa lugar.

Rotational Brownout sa Service area ng Cotelco, bumaba na; planta ng coal sa Misamis Oriental, nakabalik na sa Grid

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Bumaba na ang oras ng brownout sa bayan ng Kabacan at maging sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng lalawigan ng Cotabato.

Ito makaraang nagging operational na muli ang Unit 2 ng STEAG Mindanao Coal Fired power plant sa Misamis Oriental kaya’t bumuti ang supply ng kuryente at nabawasan ang brownout sa Kabacan at iba pang service area na sakop ng Cotelco sa North Cotabato.

Recruiter na taga-Manila, nasa kamay na ng pulisya matapos na marekober sa pagkakadukot

(Maguindanao/ September 13, 2013) ---Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang isang negosyanteng recruiter matapos na nasa kamay na ito ngayon ng mga otoridad.

Kinilala ang biktima na si Milagros Abu Hussein, 52-anyos na residente ng Cainta, Rizal at may ari ng isang recruitment agency sa Cubao, Quezon City.

Nabatid na si Hussein ay dinukot noong Miyerkules ng mga di pa nakikilalang armado pasado alas kwatro ng hapon noong Miyerkules sa Sitio Gubat, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Central Mindanao, mahigpit na minomonitor ng 6th Infantry Division bunsod ng banta sa seguridad

(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Mahigpit na minomonitor ngayon ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang buong CENTRAL MINDANAO.

Itoy bunsod na rin sa mga banta sa seguridad kaugnay sa nangyayaring kaguhuluhan sa Zamboanga City ayon pa kay 6th ID Spokesman Col Dickson Hermoso.

Malaysian investor, nabahala sa presyo ng goma sa probinsiya

(Makilala, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Dismayado ang isang Malaysian investor sa presyo ng goma sa probinsiya ng North Cotabato.

Sa pagbisita ni Joe Ang, ang chief executive officer ng Institute of Development Studies in Sabah, Malaysia sa lalawigan at pakikipag-usap nito sa ilang mga magsasaka ng goma sa bayan ng Makilala, ang tinaguriang ‘rubber capital’ ng North Cotabato at pinag-usapan ang sinasabing sitwasyon ng rubber industry sa Mindanao.

Paghahanda sa 8th Cotabato Annual Dance Festival puspusan na

(Midsayap, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Muling itatanghal ang Cotabato Annual Dance Festival ngayong darating na a- 16 ng Nobyembre bilang pakikiisa sa ika-77 anibersaryo ng bayan ng Midsayap.

Inihahanda na ng organizing committee ang mga imbitasyon at kaukulang panuntunan para sa mga grupong nais sumali sa paligsahan.

MNLF, walang planung ‘sympathy attack’

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Sinabi ni Moro National Liberation Front o MNLF SOCCSKSARGEN Intelligence Ildefonso Isagan na wala silang gagawing ‘sympathy attack’ saan mang sulok ng Rehiyon.

Ito ang inihayag ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong hapon matapos ang mga umuugong na report na may movement umanong niluluto ang MNLF sa North Cotabato partikular na dito sa Kabacan.

3 sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Tatlo katao ang malubhang nasugatan sa panibagong pagsabog sa Poblacion ng bayan ng Pikit, North Cotabato alas 8:15 kagabi.

Kinilala ni PCInps. Elias Dandan, hep eng Pikit PNP ang mga biktima na sina Marcos Esmail, 40; Nhor Jana Esmail 18 at Amera Usman 20 pawang mga residente ng Sitio Lamak, Brgy Poblacion ng nabanggit na lugar.

Cafgu na asawa ng Head Teacher, patay sa pamamaril sa Arakan, NCot

(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Dead on arrival sa ospital ang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ng pagbabarilin ng mga riding assassins sa may Poblacion, Arakan, Cotabato pasado alas 8:00 kaninang umaga.

Kinilala ni Senior Inspector Roly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Aquilino Nicor, nasa tamang edad, asawa ng head teacher ng Malibatuan Elementary School at residente ng nabanggit na bayan.

Mga estudyante at kawani ng CFCST sa Arakan, NCot; nagsagawa ng kilos protesta

(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mag-aaral at mga kawani ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST kasama na ang mga orphans mula sa Orpahnage sa Arakan, North Cotabato alas 8:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ang nasabing rally ay upang patalsikin umano ang naka-upong Presidente na si Dr. Samson Molao.

Mga otoridad sa ARMM, todo alerto sa posibleng ‘sympathy attack’ ng MNLF

(ARMM/ September 11, 2013) ---Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga otoridad ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang kasama sa mga measures upang mapigilan ang anumang pag-atake ng ilang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) katulad nang nangyaring Zamboanga siege.

Inihayag ni Abdulrashid Ladayo, chief security officer ng Office of the Regional Governor, ang presensiya ng Philippine Marines contingent, Army at kapulisan sa ARMM ay kabilang sa preventive measures na ipinapatupad ng gobyerno habang hindi pa nareresolba ang standoff sa Zamboanga City.

Na-intercept na package na may lamang shabu para sa preso ng Amas Provincial Jail, pinaiimbestigahan na!

(Amas, Kidapawan City/ September 11, 2013) ---Pinaiimbestigahan na ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang report na diumanoy shabu na inilagay sa isang package at ipinadala sa isang preso na nakabilanggo sa Amas Provincial Jail, Amas, Kidapawan City, kahapon.

Ayon sa report ni Senior Jail Officer 3 Edwin Paalisbo ng Provincial Rehabilitation Center na na-intercept nila ang isang package ng shabu camouflaged na nakalagay sa chocolate candy bars at para sa inmate na si Jason James Arnaiz, na may kinakaharap ng kasong carjacking.

Brgy. Chairman, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Pinagbabaril ang isang ng Punong Barangay sa harap ng Superama, na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 kahapon  ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Kudin Kusim residente ng Brgy. Balatungkayo, Datu Montawal, Maguindanao at kapitan ng nasabing lugar.

Mga Kawani ng Nabcor Kabacan, umapela kay Pnoy na wag iabolish ang kanilang ahensiya

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Umaapela ngayon ang mga empleyado ng National Agribusiness Corporation (Nabcor)  na di isali ang kanilang tanggapan sa planung buwagin ang ahensiya makaraang masangkot ang kanilang opisina  sa pork barrel fund scam.

Batay sa imbestigasyon ng Commission on Audit’s (COA) mula 2007 hanggang 2009 nabatid na P1.227 billion na pork barrel funds ang napunta sa bogus na non-governmental organizations at isa na dito ang Nabcor.

Mga Peace advocates sa Mindanao, umapela sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa standoff sa Zamboanga

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Nakiusap ngayon ang mga Peace advocates mula sa Mindanao sa gobyerno ng Pilipinas na maging maingat sa paghawak sa nangyaring ‘standoff’ sa Zamboanga City.

Sa kanilang kalatas na ipinalabas ng Initiatives for Peace in Mindanao (InPeace) dapat na hindi madamay sa kaguluhan ang mga sibilyan.

NIA- LibRIS magdiriwang ng ika-51 anibersaryo

(Midsayap, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Nakatakdang ipagdiwang ng National Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LibRIS ang ika-51 anibersaryo nito ngayong darating na Biyernes, a-13 ng Setyembre.

Ayon sa opisyal na programang inilabas ng ahensya, pasisinayan sa nasabing anibersaryo ang bagong opisina ng MPLK Federation of Irrigators Associations.

Lalaki, nahulihan ng Marijuana sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng dahon ng marijuana sa isinagawang operation kontra illegal drugs ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP, TF Krislam at ng 7ib Philippine Army nitong sabado.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hep eng Kabacan PNP ang suspek na si Junidin Nandang Amuyan alias toh abas at residente ng Roxas St., Poblacion, Kabacan.

Graduating student ng USM-KCC, patay ng matangay ng rumaragasang ilog sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Patay ang isang graduating college student habang na-rescue naman ang siyam na mga kasamahan nito ng matangay sila ng rumaragasang daloy ng ilog sa Barangay Bantac, Magpet, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Magpet tourism Officer Carl Jones Tanaid ang biktima na si Richiel Empas, 20, estudyanye ng College of Education sa University of Southern Mindanao – Kidapawan City Campus.

Problema sa Kuryente, tinalakay sa SP ng Kidapawan City

(Kidapawan City/ September 9, 2013) ---Umaabot na ngayon sa 250MW ang kakulangan ng suplay sa kuryente sa buong Mindanao.

Ito makaraang sumailalim sa preventive maintenance ang dalawang hydro-electric power plants sa Agus, Lanao del Sur at iba pang mga planta sa rehiyon.

Kabacan, nangunguna sa buong North Cotabato sa katatapos na LGPMS 2012

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Buong karangalang ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan matapos na nakuha nito ang number 1 o nangungunanang bayan sa buong North Cotabato sa katatapos na Local Governance Performance Management System 2012, kungsaan nilampasan nito ang 16 na mga munisipyo kasama na ang isang lungsod na mga katunggali.

Nakakuha ng over-all performance rating na 4.81 ang Kabacan,
Ibigsabihin, mataas na marka ang nakuha ng Munisipyo para sa limang performance areas, Administrative Governance, Social Governance, Economic Governance, Environmental at Valuing the Fundamentals of Good Governance. Dagdag pa rito, nangunguna ang Kabacan sa labing anim na munisipyo ng Probinsiya ng Cotabato sa aspeto ng Local Governace Performance para sa taong 2012.

Sundalo sugatan sa pagsabog ng 2 IED sa boundary ng N. Cotabato at Maguindanao

(Tulunan, North cotabato/ September 8, 2013) ---Isang sundalo ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa national highway na nasa boundary ng Barangay Magibis, Datu Paglas Maguindanao at Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Barangay Captain Arsmtrong Magibis ng Barangay Magibis, Datu Paglas, Maguindanao, unang sumabog ang IED bago mag-alas-6:00 kaninang umaga kung saan natamaan ng shrapnel ang tuhod ng biktima na kinilalang si Corporal Edwin Dumuser.