(Midsayap, North Cotabato/ September 13, 2013) ----Tatalakayin ang
dalawang annexes ng Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB sa gagawing
lecture-forum sa Southern Christian College o SCC sa Midsayap, North Cotabato
ngayong Setyembre a-20.
Ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista
bibigyan diin dito ang Power Sharing at Wealth Sharing.
Sinabi ni SCC Vice President for Research and Extension Dr. Elma
Neyra, inimbitahan nila si Atty. Johaira Wahab upang magsalita tungkol sa Annex
on Wealth Sharing.
Si Atty. Wahab na siyang legal team head ng GPH peace panel ay ang
pinakabatang kasapi ng Bangsamoro Transition Commission.
Samantala, nagpadala na rin umano ng sulat ang SCC sa opisina ni
North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan na naglalayong imbitahan ang
opisyal upang magbahagi ng ulat tungkol naman sa Annex on Power Sharing.
Matatandaang kabilang si Rep. Sacdalan sa mga participant-
observers sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF at naging
Chairperson ng Special Committee on Peace Reconciliation and Unity ng 15th
Congress.
Umaasa ang mga tagapataguyod ng aktibidad na makakadalo sa forum
ang dalawang personalidad na kanilang inimbitahan.
Nabatid na ang lecture-forum ay isang paraan ng pakikiisa ng SCC
sa pagdiriwang ng International Day of Peace sa September 21. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento