(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013)
---Nakiusap ngayon ang mga Peace advocates mula sa Mindanao sa gobyerno ng
Pilipinas na maging maingat sa paghawak sa nangyaring ‘standoff’ sa Zamboanga
City.
Sa kanilang kalatas na ipinalabas ng Initiatives for Peace in Mindanao
(InPeace) dapat na hindi madamay sa kaguluhan ang mga sibilyan.
Umaapela din ang grupo sa Aquino administration na repasuhin ang 1996
peace pact sa Moro National Liberation Front (MNLF).
Ayon sa grupo ang nagpapatuloy na kaguluhan o standoff sa Zamboanga city
ay kasunod ng deklarasyon ng MNLF ng independence ilang buwan ang nakalipas.
Sinabi ni InPeace chair Bishop Felixberto Calang na kapwa sundalo at
MNLF ay dapat ding sumunod sa isinasaad ng International Humanitarian Law (IHL)
na protektahan ang karapatan ng mga sibilyan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento