(Midsayap,
North Cotabato/ September 9, 2013) ---Nakatakdang ipagdiwang ng National
Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LibRIS ang
ika-51 anibersaryo nito ngayong darating na Biyernes, a-13 ng Setyembre.
Ayon
sa opisyal na programang inilabas ng ahensya, pasisinayan sa nasabing
anibersaryo ang bagong opisina ng MPLK Federation of Irrigators Associations.
Pararangalan din ang
mga kaagapay na lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mga programa at proyekto
ng NIA.
Gagawaran naman ang
mga grupo ng magsasaka at mga kawani ng LibRIS nagpamalas ng kahusayan sa
pagpapatupad ng layunin ng nasabing ahensya.
Samantala, magiging
bahagi ng selebrasyon ang paglagda sa Irrigation Management Transfer o IMT
Model Contract II ng mga irrigators’ associations na kinabibilangan ng LibRIS
Division 4, Rangaban, GladNes, CATUBU, Gumaga at LibRIS Division 5 Main Canal.
Panauhing pandangal
sa nabanggit na pagdiriwang si NIA Administrator Engr. Claro Maranan.
Pangungunahan ni
Administrator Maranan ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong opisyal at
konseho ng iba’t- ibang sektor ng LibRIS.
Nabatid
na magbibigay din ng ulat si North Cotabato 1st Rep. Jesus Sacdalan
kaugnay ng mga programang pang-agrikultura na patuloy nitong isinusulong sa
kongreso.
Siniserbisyuhan
ng LibRIS ang mga irrigator-members nito mula sa mga bayan ng Midsayap,
Pigcawayan, at Libungan, sa Distrito Uno at Northern Kabuntalan sa lalawigan ng
Maguindanao. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento