Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IA performers pinarangalan sa ika- 51 anibersaryo ng NIA-LibRIS

(Midsayap, North Cotabato/ September 14, 2013) ---Kasabay ng pagdiriwang nitong Biyernes ng ika-51 anibersaryo ng National Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LiRIS ay kinilala ang mga irrigators’ associations o IAs na nagpakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.

Sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Rivera Bautista, nakamit ng LibRIS Division-6 IA ang Most Outstanding IA award dahil sa 104.93% na functionality survey rating nito.


Nagtala rin ng outstanding performance ayon sa functionality survey rating ang SIAM IA (96.03%), LibRIS Division 5- CHRISLAM IA (96.10%), CGLAD IA (96.41%), at SALTUM IA na nakakuha ng 97.15%.

Pinarangalan din ang CGLAD IA, LibRIS Division 6 IA, Capayuran IA, LibRIS Division D- 1B IA, at SALTUM IA na isandaang porsyentong koleksyon ng irrigation system fee.


Sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga irrigators sa patuloy nilang pagsuporta at pagpapakita ng kahusayan sa implementasyon ng proyektong pang-agrikultura sa distrito uno. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento