(Kidapawan City/ September 14, 2013) ---Ibinasura ng City Prosecutor sa lungsod ng Kidapawan ang kasong drug trafficking laban sa nagpadala ng package na may lamang shabu sa isang preso na nasa Amas Provincial Jail.
Ayon kay City Prosecutor Christine Prudenciado technicality ang dahilan kung bakit na-i-dismiss ang nasabing kaso laban kauy Jennifer Arnaiz, na sinasabing nagpadala ng package na may lamang shabu kay Jason James Arnaiz, na inmate ng Cotabato Provincial Rehabilitation Center.
Sa isinagawang City Peace and Order Council (CPOC) meeting bigo umanong makapag-presenta ng mga ebedensiya ang mga complainants bukod pa sa hindi nila matukoy kung anu ang totoong pangalan ni Jennifer Arnaiz, na sinasabing kamag-anak ng preso na pinadalhan.
Nabatid na tinatayang P80,000 ang halaga ng naturang shabu na nasabat ng mga otoridad.
Bukod sa kasong carnapping kung bakit nakulong ang suspek ay nadagdagan ang kaso nitong paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Kasong isinampa kontra sa nagpadala ng chocolate bars na may lamang shabu sa preso sa Amas, Kidapawan City, ibinasura
Sabado, Setyembre 14, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento