Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga otoridad sa isang barangay sa Kabacan; mga sugatang suspek patuloy na tinutugis ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2013) ---Tinangay ng riding in tandem na mga suspek ang motorsiklo na nakaparada sa USM Avenue na nasa harap ng Elcid Video K Bar, Poblacion, Kabacan alas 2:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na may ari ng nasabing motorsiklo na si John Alejandro, 21-anyos, residente ng Brgy. Kilagasan ng nasabing bayan.

Tinutukan muna ng baril ng mga suspek bago tinangay ang nasabing Kawasaki Fury 125 ng biktima.

Agad namang nagkasa ng hot pursuit at entrapment operation ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP, 7IB PA, 38th IB, BPAT.

Tumakas umano ang mga suspek sa bahagi ng Barangay Magatos.

Agad namang naglagay ng roadblockade sa mga posibleng danaanan ng mga suspek ang mga barangay CVO’s sa tulong na rin ni MDRRM Officer David Don Saure, matapos na kinontack nito ang mga punong barangay, partikular na sa Kilagasan.

Nagkapalitan pa ng putok ang mga suspek at mga otoridad makaraang manlaban ang mga ito sa mga rumespondeng CVO, PNP at military.

Iniwan ng mga ito ang ninakaw na motorsiklo at tumakas sa di malamang direksiyon.

Posibleng natamaan ng bala ang mga suspek dahil nakitaan ng mga dugo ang narekober na motorsiklo.

Angnasabing motorsiklo ay dinala sa Kabacan MPS at para maibigay sa may ari para sa tamang disposasyon.

Sa ngayon, patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek at hinahanap sa mga bahay pagamutan sa bayan na posibleng dinala ang mga ito para sa medical na atensiyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento