(Maguindanao/ September 20, 2013) ---Inihayag
ngayon ni DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na kasing-bisa ng
generics ang mga branded na gamot.
Ginawa ni Sinolinding ang pahayag kasabay ng selebrasyon
ng Generics Month ngayong buwan.
Kaugnay nito, hinimok din ng opisyal ang
publiko na tangkilikin ang generics na gamot dahil mas mura ito kaysa sa
branded pero magkapareho din ang bisa.
Pinatunayan din ng mga dumalong Pharmacists na
may mga sariling botika sa Shariff Aguak, Nuro Upi at Parang, Maguindanao na de-kalidad ang mga
generics, maliban pa dito, mas
nakakatipid at kayang bilhin ng
ordinaryong mamamayan.
Ang selebrasyon ng Generics Month ay may
temang, 'Generics Pangkalusugan, Gamot Pangkalahatan'. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento