(Kabacan,
North Cotabato/ September 16, 2013) ---Patay ang isang 35-anyos na chainsaw
operator makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang suspek sa Purok
Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kanina.
Kinilala ni
PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr.,
may asawa at residente ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City.
Nagtamo ng
isang tama ng bala ang biktima sa likod nito na tumagos sa dibdib na naging
dahilan na agara nitong kamatayan.
Batay sa
inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nabatid na ang biktima ay nasasangkot
diumano sa mga illegal na aktibidad kagaya ng pagtutulak ng ipinagbabawal na
gamot, nakawan ng motorsiklo.
Walang basyo
ng bala ang narekober sa crime scene kaya di pa matukoy ng mga otoridad kung
anung klase ng baril ang ginamit sa nasabing pamamaslang.
Sa ngayon
patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng Kabacan PNP para mahuli at
mapanagot ang responsable sa nasabing krimen. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento