Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 kawani ng gobyerno, patay sa road mishap sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ September 18, 2013) ---Patay ang dalawang empleyado ng gobyerno makaraang masangkot sa aksidente sa daan ang sinasakyang motorsiklo sa highway ng Matalam, North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni Sr. Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Francis Bello, Jr., at Doris Ann Andum, kapwa kawani ng Office of Southern Cultural Communities (OSCC) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

      
Patay on the spot si Andum habang binawian naman ng buhay si Bello habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital dahil sa malubhang kalagayan nito.
      
Ayon sa report, pumutok umano ang unahang gulong ng minamanehong sasakyan ni Bello kaya lumigaw ito ng ruta hanggang sa bumangga sa Van.

Kapwa nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at dibdib ang mga biktima na nagging dahilan ng agara nilang kamatayan.


Magsusumite sana ang dalawa ng kanilang PAGIBIG Loan sa Kidapawan City ng maganap ang insedente.Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento