(Amas, Kidapawan City/ September 20,
2013) ---Inilatag kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang
mga ginagawa ng probinsya sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Sa naganap na Regional Summit on
Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) for Local Executives sa lungsod
ng Heneral Santos, sinabi ni North Cotabato 1st district board member Noel
Baynosa na nakasentro ang gawain ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Council (PDRRMC) sa adbokasiyang ‘Serbisyong Totoo’.
Ayon kay Baynosa, upang lalong
makapaghanda sa mga hindi inaasahang pangyayari, namahagi ang pamahalaang
panlalawigan ng mga babasahin kaugnay ng pagsawata sa epekto ng mga sakuna at
kalamidad.
Abot sa P16 milyon ang pondong
inilaan ng pamahalaang panlalawigan na ibinili ng mga kagamitan sa mga
operasyon ng paghahanap at pagsagip.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng
anim na PVC boats, isang aluminum rescue 30-seater boat, mga early warning
device system na inilagay sa bayan ng Alamada at Carmen at iba pang mga gadyet.
Binigyang-diin pa ni Baynosa na
maliban sa mga ito, isinailalim naman sa mga pagsasanay noong mga nakaraang
buwan ang mga tagapagsagip.
Sinabi pa niya na todo sa pagbibigay
ng tulong at pagsasagawa ng mga serbisyong pangmedikal ang pamahalaang panlalawigan
sa mga biktima ng trahedya at aksidente.
Katunayan nito, ilang mga barangay
na ang napatayuan ng mga covered court at maraming mga lugar sa probinsya na
rin ang nabahaginan ng mga multicab na kapwa mapakikinabangan sa panahon ng
kalamidad at sakuna.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento