(Midsayap, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isa sa mga apat na mga kidnaper makaraang manlaban sa mga pulis ng magka-engkwentro ang mga ito sa Pamilihang bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang kidnaper na nasawi na si Jialon Pasandalan, residente ng Pikit North Cotabato.
Batay sa report ng pulisya isang negosyante ang dinukot ng mga ito na kinilalang si Manolita Cedenio, 73 anyos, may asawa at may-ari ng Royal Drug Store pasado alas 5:00 kahapon.
Pababa umano ang biktima sa kanyang pick-up (LCM-456) sa harap ng tahanan nito ng biglang sumulpot ang apat na mga armadong kalalakihan at pinukpok sa ulo ang driver ng biktima na si Allan Seballos. Tinangay ng mga suspek ang sasakyan kasama ang biktima.
Irah: Agad namang humingi ng tulong ang ibang mga negosyante sa pulisya at hinabol ang mga kidnapper,kasama ang mga miembro ng Palma Citizens Against Crimes and Violence,mga CVO,Cafgu ,mga tauhan ng 40th Infantry Battalion Phil.Army at mga sibilyan.
Nasukol ang mga suspek sa Jaycee Avenue sa kilid ng public market sa bayan ng Midsayap,nagkaroon ng barilan,kung saan isa sa mga suspek ang nasawi at ang dalawa nito ay nahuli ng mga humahabol na sibilyan,pulis at PCAC-V.
Patuloy ngayong sinailalim sa masusing imbestigasyon ang tatlong kidnapper na nahuli ng mga sibilyan,pulisya,militar,CVO at mga miembro ng Palma Citizen Against Crimes and Violence (PCAC-V) sa tangkang pandudukot sa isang negosyante sa bayan ng Midsayap,North Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na nahuli na sina,Taib Adan, Diego Bagcal at Mohammad Tampon Pagayao. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Kidnaper, patay sa engkwentro sa Midsayap, North Cotabato
Huwebes, Setyembre 19, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento