Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mga tulak droga, arestado ng Kabacan PNP na aktong humihithit ng illegal drugs

(Kabacan, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Inaresto ng Kabacan PNP ang tatlo katao makaraang naaktuhang humuhithit ng shabu sa isang bahay na nasa Purok 1, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 10:20 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina: Zaldy Muhamad Inta, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Purok Chrislam; Jay Garcia Layagan, 35, residente ng Purok 1, Osias at Marie Abillana, 34, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa tatlo ang iba’t-ibang piraso ng heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu at ilan pang illegal drig paraphernalia’s.

Ang bahay kungsaan nahuli ang mga suspek at ginagamit umanong hide out ng mga drug adik, ayon sa report.

Sa ngayon naghihimas ng malamig na rehas bakal ang tatlo habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanila hinggil sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento