(Mlang,
North Cotabato/ September 20, 2013) ---Tinungo kahapon (September 19, 2013) ni Agriculture Secretary Proceso Alcala ang bayan
ng Mlang, North Cotabato para pangunahan ang isinagawang Rice Harvest Festival
sa nasabing bayan.
Ayon kay Regional
Agriculture and Fishery Information Division ng Department of
Agriculture 12 Head Nelly Ylanan layon ng pagbisita ng kalihim ay
para ipakita ang kakayahan ng nasabing lugar na matulungan ang pamahalaan na
makamit ang kasapatan ng bigas.
Isinagawa ang nasabing programa sa Barangay Inas bayan ng Mlang.Nabatid na umaabot sa mahigit 7,000 ektarya ang palayan sa M’lang at Tulunan.
Sa M’lang din nakabase ang Don Bosco Multipurpose Cooperative na pangunahing exporter ng Pilipinas ng black, brown, at red rice.
Kaugnay nito, tiniyak din ng National Food Authority (NFA) at Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang bigas sa bansa.
Ang pagtiyak ay ginawa ni NFA Administrator Orlan Calayag, kasunod ng isinagawang pag-iinspeksyon sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Tinukuran din ni DTI Secretary Gregory Domingo ang naging pahayag ni Calayag na nagsabi na maaring may kakapusan ng suplay ng regular milled rice ngunit sapat naman umano ang suplay nito kung kaya’t walang dapat ikababahala ang publiko. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento