(Kidapawan City/ September 17, 2013) ---Naglabas na ng P5.7M na supplemental budget ang SP Kidapawan makaraang maaprubahan ang nasabingbudget sa nakalipas na session ng Sanngunbian.
Ang pagpapalabas ng budget kasunod ng napabalitang puputulan ng kuryente ang City hall, mga streetlights at iba pang gusali na pagmamay-ari ng Kidapawan City local government.
Batay sa report 2.7 million ng supplemental budget ay mapupunta sa Cotabato Electric Cooperative bilang paunang bayad sa electric bill ng Kidapawan City na lumubo na sa halos walong milyong piso.
Magkasamang dumalo sa session ng SP sina COTELCO General Manager Godofredo Homes at COTELCO spokesman Vicente Baguio.
Napag-alaman na ang nasabing utang ng LGU Kidapawan ay noon pang 2011 sa panahon ng administrasyon ni Dating Mayor at ngayon ay bise alkalde Rodolfo Gantuangco.
Kaugnay nito, paiimbestigahan ngayon ni City Councilor at SP Committee on Finance Chair Lauro Taynan kung bakit umabot ng walong milyon ang pagkakautang ng LGU sa COTELCO gayong ilang beses na raw naaprubahan sa SP ang supplemental budget para dito. (Rhoderick Benez)
DXVL Staff
...
P5.7M, aprubado na sa SP Kidapawan para sa inisyal na pambayad sa kuryente
Lunes, Setyembre 16, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento