Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkawatak-watak ng grupo ng BIFF, itinanggi ng tagapagsalita ng grupo

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2015) ---Pinabulaanan ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement o BIFM na nahahatai sa sa tatlo ang kanilang grupo.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni BIFM Spokesperson Abu Mismri Mama bagkus ay mas dumami pa daw ang kanilang grupo.

Ipinaliwanag ni Mama na ang BIFM ay ang kanilang tinatawag na gobyerno at ang BIFF naman o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ay ang kanilang armed Group o militar.

Mahabang brown out naranasan kahapon sa bayan Kabacan, Matalam, Carmen at Banisilan

(Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Muling nakaranas ng mahabang brown out na umabot ng mahigit tatlong oras kahapon ang bayan ng Kabacan, Matalam, Carmen at Banisilan dahil sa isinagawang power shutdown ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco dahil sa isinagawang pag-energize ng power transformer sa Manubuan substation at pag-check ng linya ng kuryente ng National Grid Corporation o NGCP.

Ito ang inihayag ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio sa panayam ng DXVL news.

Civil Service Commission Field Office North Cotabato, tatanggap ng mga aplikante sa Career Service Examination sa USM

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Tatanggap ng mga aplikante para sa Career Servive Examination (Professional and Sub-Proffesional) sa Lobby ng Administration Building sa darating na May a-3 taong 2015 sa susunod na buwan.

Layon ng nasabing aktibidad ay upang mas makakita ng maraming aplikante para sa nasabing eksaminasyon.

Mahigit 60K na halaga ng gamit, nalimas sa College of Agriculture ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Nalimas ang abot sa P60,000 na halaga ng gamit matapos na malooban ang Department of Plant Breeding and Genetics ng College of Agriculture sa University of Southern Mindanao.

Ayon sa record ng Kabacan PNP, dumulog sa kanilang himpilan ang isang Janice Laboratorio, 32 anyos, dalaga, isang laboratory aid ng nasabing departamento at residente ng USM housing.

Drug related, isa sa mga anggulong sinusundan ng mga kapulisan sa pagpatay sa mag-live-in partner sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Isa ang anggulong onsehan sa droga sa mga tinututukan ng mga kapulisan sa pagbaril patay sa magkalaguyo matapos itong ratratin ng motorcycle-riding assassins sa bisinidad ng Mantawil Extension, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Rey Dacula ng Brgy. Nangaan, Kabacan at Daisy Guerrero ng Bonifacio Street sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

MDRRMC Pikit pinabulaanan ang ulat na umabot na sa labinlimang libo ang mga bakwit sa North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Pinabulaanan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC Pikit ang ulat na umabot na sa labinlimang libo ang mga bakwit sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni MDRRMC Pikit head Tahira Kalantungan na katuwang nila ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Pikit ang nakaka alam ng aktwal na datos at bilang ng mga bakwit.

Isang pamilya sa bayan ng Matalam, pinaulan ng bala, maswerteng nakaligtas

(Matalam, North Cotabato/ February 19, 2015) ---Maswerteng nakaligtas ang isang pamilya sa nangyaring pamamaril sa Purok 6, Brgy. Kilada, Matalam Cotabato dakong alas 8:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Alex Empal, 41 anyos, magsasaka at ang padre de pamilya, Norei empal 42 anyos ang ina, at ang kanilang mga anak na sina Jason Empal, 9 anyos Jeoffrey Empal 14 anyos na pawang mga estudyante ng Annex Kilada Elementary School at dalawa sa kanilang mga manggagawa na sina Pedro

Pinay Nurse na tubong Kabacan na sinasabing suspected Mers-cov Courier, nag-negatibo sa nasabing sakit

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Matapos ang ilang araw na pagbabantay at pag-oobserba sa Davao Medical Center o DMC sa isang Pinay Nurse na taga-North Cotabato, nag negatibo na ito sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MERS-CoV.

Ito ang inihayag sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Load curtailment sa service area ng COTELCO patuloy pa rin

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Patuloy pa rin na nakakaranas ng mahabang oras na pagkawala ng serbisyo ng kuryente ang ilang konsumedures ng Cotabato electric Cooperative o Cotelco.

Ito ang kinumpirma mismo sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio dahil ipinapatupad nila ang load curtailment sa service area ng Cotelco.

Pangunahing dahilan umano ng load curtailment ay ang pag conduct ng preventive maintenance ng TMI sa Maco, Compostela valley dahilan upang lumiit ang supply ng kuryente.

Lalaking nag-amok, huli sa pagdadala ng illegal na droga sa Libungan, Ncot

(Libungan, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Kalaboso ngayon at naghihimas ng malamig na rehas na bakal ang isang lalaki matapos itong mag amok at mahulihan ng illegal na droga sa Brgy. Abaga, Libungan, Cotabato alas 12:30 ng tanghali kamakalawa.

Kinilala ni PSI Jojet Nicolas ang hepe ng Libungan PNP ang suspek na isang Muhamad Pananggalan, 38 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Barongis sa nasabing bayan.

Territorial Conflict, dahilan ng girian ng BIFF at MILF sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato ---Pikit PNP

(Pikit, North Cotabato/ February 18, 2015) ---Nais umanong sakupin ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang komunidad na sakop ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa hangganan ng Maguindanao at lalawigan ng North Cotabato.

Ito ayon sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Sindato Karim, ang hepe ng Pikit PNP, dahilan ng ilang araw na giriaan sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakalikas ng mahigit sa sampung libung mga residente sa bayan ng Pikit.

Palutang lutang na Bangkay sa Datu Montawal, Maguindanao, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan

(Datu Montawal, Maguindanao/ February 18, 2015) ---Patuloy ngayon ang pananawagan ng Datu Montawal PNP sa kung sino mang may kamag anak na nawawala itoy matapos na may natagpuang palutang lutang na bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Tunggol Bridge sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao alas 11 ng umaga kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay PInps Razul Pandulo ang hepe ng Datu Montawal PNP, walang naman umanong mga senyales na binaril o sinaksak ang nakita sa katawan ng biktima.

Isang OFW na Pinay Nurse na tubong Kabacan, suspected Courier ng MERS-COV, RHU Kabacan sinabing nag-negatibo naman ito sa ilang sintomas ng Sakit

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015) ---Nakiisa ang Rural Health Unit ng Kabacan sa kompanya ng Department of Health na sugpuin ang Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MERS-CoV sa bansa.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Batay sa ulat, may isang residente ng Kabacan ang sinasabing suspected courier ng nasabing sakit na isang OFW na Pinay Nurse na galing ng Riyadh sakay ng Flight 860.

MILF kumander na namatay, hindi umano dahil sa bakbakan ng BIAF at BIFF ---MILF Civil Military Chief Von Alhaq

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015) ---Kinumpirma ni MILF Civil Military Chief Von Alhaq na mga miyembro ng (BIAF) Bangsamoro Islamic Armed Forces na sa ilalim ng kanilang pamunuan at mga miyembro ng BIFF ang nagkakagirian at nagkasagupaan sa boundary ng bayan ng Pikit at Pagalungan.

Ito ang naging pahayag ng opisyal sa panayam ng DXVL News.

Ilang mga nagsilikas sa bayan ng Pikit, nagkakasakit na!

(Pikit, North Cotabato/ February17, 2015) ---Patuloy ngayon ang pananawagan ng Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Mangement Council na tuldukan na ang giriian ng dalawang armadong grupo matapos na umakyat na sa isang libung pamilya ang nagsilikas sa kani-kanilang pamamahay sa boundary ng Pikit, Cotabato at Pagalungan, Maguindano.

Ayon kay Pikit MDRRMC Head Tahira Kalantungan sa panayam ng DXVL News, umaabot na sa anim na barangay ang apektado sa nasabing giriaan mula sa Brgy. Kabasalan, Brgy. Buliok, Barungis at mga barangay na sakop hanggang sa Brgy. Bago Inged ng nasabing bayan at

Mahigit 1K katao, nagsilikas dahil sa BIFF- MILF clash sa Maguindanao

(North Cotabato/ February 16, 2015) ---Tinatayang abot sa mahigit sa isang libung mga indibidwal ang nagsilikas dahil sa takot na madamay sa engkwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Barangay Kalbugan, Pagalungan, Maguindanao noong Sabado, Pebrero 14.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Col. Orlando Edralin, Commanding Officer ng 7th IB, PA, isa ang naiulat na namatay na namatay na patuloy pa nilang kinukumpirma hanggang sa kasalukyan.

CAFGU, Babae; pinabulagta ng Riding Tandem

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU at isang babae na kinakasama nito makaraang pabulagtain ng riding tandem sa bisinidad ng Mantawil Extension, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo ang hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Rey Dacula, residente ng Brgy. Nangaan, Kabacan at Daisy Guerrero, residente ng Bonifacio St., Poblacion ng bayang ito.

25-anyos na lalaki, pinabulagta ng riding tandem sa Cotabato City

Patay na nang madatnan ng mga otoridad ang isang tricycle driver sa Dona Teresa, Poblacion 2, Cotabato  pasado alas singko ng madaling araw kahapon.

Kinilala mismo ng kanyang kapatid ang biktima na si Uyag Bandol, 25- anyos, na taga Meriam Ville Sultan Kudarat, Maguindanao.

Mindanao Star Bus, maghahari sa lansangan

(Kabacan, North Cotabato/ February 16, 2015) ---Magdaragdag ng bagong ruta ang Kabacan Terminal Complex sa mga Rural Transit Bus pa Biyaheng Cagayan via Kabacan to Gensan at sa bago nitong ruta na  Cotabato via Kabacan to Cagayan sakaling aaprubahan ng Land transportation Franchise and Regulatory Board o (LTFRB).

Ito umano ay bunsod ng pag-aaply ng bagong prangkisa sa mga rural bus.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Terminal Complex, Officer in Charge of Rural Transit and Mindanao Star Bus Line Armando Lu Sr. ipinaliwanag nito ang iba pang dahilan sa pagbabago ng ruta.

Reward Money re: sa makakasumbong ng maghahasik ng terorismo sa Kabacan, tinaasan!

(Kabacan, North Cotabato/ February 15, 2015) ---Tinaasan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman J rang reward Money para sa kung sino ang makakita at makahuli sa mga masasamang loob na posibleng magtatanim ng mga Improvised Explosive Device o IED sa bayan ng Kabacan.

Ito ang naging pahayag ng alkalde sa ipinatawag nitong Press Conference patungkol sa Peace and Order Security sa bayan na ginanap sa USM Hostel noong Pebrero a-12.

Kampo ng 7th IB, planung ililipat sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 15, 2015) ---Patuloy na pinag- aaralan ngayon ng pamunuan ng 7th IB ang plano nilang paglilipat ng batalyon sa Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.

Ito ayon sa pahayag ni Battalion Commander Lt. Col. Orlando Edralin ng 7th IB sa panayam ng DXVL News kasabay ng isinagawang presscon na ipinatawag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kamakailan.

Mananalo sa LOVE NOTES by Oliver Twist Valentines Special Yr. 7 ng DXVL 94.9 Kool FM, i-aanunsyo ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2015) ---Iaanunsyo na ang mananalong kwento sa Love Notes by Oliver Twist Valentines Special Year 7 ng DVXL 94.9 Kool FM nagyong araw sa ganap na ala una ng hapon.

Ang Love Notes by Oliver Twist ay isang programa kung saan itinatampok ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig na ibinabahagi ng mga tagapakinig ng nasabing estasyon.

Ang mananalo sa naturang programa ay tatanggap ng iba’t ibang gift certificate at cash. 

Ito ay ang make- over from Salon de Hair Fabulus, Dinner date from Orro Resto, Bouquet from Orchids Petals Flowershop, Big Picture with Picture frame from B@E at Cake from Sweetbites by Michelle.

Ang nasabing programa ay nagsimula pa noong taong 2008 na ngayon ay ang ika pitong taon nito. Ito ay pinangungunahan mismo ng kasalukuyang Station Manager Allan Dalo o mas kilala sa tawag na Oliver Twist o Papa OT.


Ang programa ay naglalayon hindi lamang upang itampok ang iba’t ibang kwento ng pag- ibig na ibinabahagi ng mga tagapakinig kundi upang makapagbigay din ng payo at aral sa mga sumusubaybay nito.

Local Monitoring Team ng Kabacan, nanawagan ng pagkakaisa sa lahat re: sa Mamasapano Incident

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2015) ---Nagmistulang concert ang hearing na isinagawa ng kongreso patungkol sa Mamasapano clash.

Ito ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guibar sa panayam ng DXVL News.

Aniya ay nag- aagawan umano ng mikropono ang mga kasapi sa Kongreso upang makita ng kanilang mga constituents at ng mga tao na sila umano ay dumalo sa nasabing hearing.

Disaster and Crisis Lead ng EDC, nagbahagi ng kaalaman re: paghahanda ng mga media sa anumang sakuna

(Kidapawan City/ February 13, 2015) ---Binigyang diin ng Disaster and Crisis Lead Energy Development Corporation ang kahalagahan ng pagiging handa ng media sa ano mang sakuna o disaster na nangyayari.

Sa panayam ng DXVL news kay Dr. Ted Esquera ng Disaster and Crisis Lead Energy Development Corporation ipinaliwanag niya na ang media ay katulad din ng mga nagtatarabaho sa National Disaster Risk Reduction management Office o NDRRMO, CDRRMO, mga kapulisan at kasundaluhan na dapat may dala na ready disaster kit upang may nadudukot sa panahon ng kalamidad.