Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Palutang lutang na Bangkay sa Datu Montawal, Maguindanao, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan

(Datu Montawal, Maguindanao/ February 18, 2015) ---Patuloy ngayon ang pananawagan ng Datu Montawal PNP sa kung sino mang may kamag anak na nawawala itoy matapos na may natagpuang palutang lutang na bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Tunggol Bridge sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao alas 11 ng umaga kahapon.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay PInps Razul Pandulo ang hepe ng Datu Montawal PNP, walang naman umanong mga senyales na binaril o sinaksak ang nakita sa katawan ng biktima.

Dagdag ng opisyal na tinatayang dalawang araw ng patay ang nasabing bangkay, 5’1’’ ang taas nito, nakasuot ng maong pants, naka brown t-shirt, merong biguti at balbas at medyo mahaba ang buhok, at nasa edad 30-40 anyos ng nasabing bangkay.

Sa ngayon ay nasa Villa Hosa Funeral Homes ang mga labi ng biktima sa bayan ng kabacan.

Wala naman umanong naiulat na insidente sa kayang nasasakupan, dagdag pa ni Pandulo at nakikipag ugnayan na sila sa opisina ng PNP sa Kabacan, Pagalungan at Pikit kung meroon bang may naiulat na insidente sa kanilang nasasakupan ngunit naging negatibo naman ang tugon ng mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pangangalap ng imposmayon kung saan nanggaling ang nasabing bangkay at nanawagan narin na kung sino man ang nawawalan ng kamag anak o miyembro ng kanilang pamilya na makipagugnayan sa kanilang pamunuan o icontact lamang ang 09168929062.

Nagpapasalamat naman ang opisyal sa kooperasyon ng mga mamamayan ng bayan ng Datu Montawal. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento