Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang OFW na Pinay Nurse na tubong Kabacan, suspected Courier ng MERS-COV, RHU Kabacan sinabing nag-negatibo naman ito sa ilang sintomas ng Sakit

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2015) ---Nakiisa ang Rural Health Unit ng Kabacan sa kompanya ng Department of Health na sugpuin ang Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o MERS-CoV sa bansa.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Batay sa ulat, may isang residente ng Kabacan ang sinasabing suspected courier ng nasabing sakit na isang OFW na Pinay Nurse na galing ng Riyadh sakay ng Flight 860.

Pero ayon kay Cabellon pansamantalang nasa Quarantine ng Davao Medical Center ang biktima na hindi muna pinangalanan.

Napag-alaman na negatibo naman sa ilang mga sintomas ng MERS-CoV ang pinay Nurse na tubong Kabacan, batay sa ulat ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Sa ngayon, nagpapakalat na ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa naturang sakit ang RHU Kabacan bilang tugon sa panawagan ng DOH na sugpuin ang naturang sakit.
Anu nga ba ang MERS-CoV?

Ang MERS-CoV o Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus ay isang sakit sanhi ng corona virus na ayon sa pag-aaral ay natagpuan sa kamelyo at ang isang kamelyong apektado ay naiugnay sa pagkakaroon ng kaso sa tao at ang unang kaso ay naitala sa Saudi Arabia noong Abril 2012.

Ang mga sintomas ng MERS-CoV ay ang pag-ubo, hirap sa paghinga, mataas na lagnat, pagtatae, sakit sa bato at kung mababa ang resistensya ay maaarig magpakita ng iba pang kakaibang sintomas. May mga positibo rin umanong kaso ng MERS-CoV na hindi nakitaan ng mga nasabing sintomas.


Naisasalin rin ang nasabing sakit sa pamamagitan ng close contact sa positibong pasyente tulad ng mga health workers, kamag-anak at iba pa. 

Maiiwasan umano ang nasabing sakit sa pamamagitan ng madalas na paghugas ng kamay sa tamang paraan,takpan ang ilong at bibig sa pagbahing at pag-ubo gamit ang panyo o tissue at ilagay ang gamit na tissue sa basurahan at palakasin ang resistensya. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento