Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Local Monitoring Team ng Kabacan, nanawagan ng pagkakaisa sa lahat re: sa Mamasapano Incident

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2015) ---Nagmistulang concert ang hearing na isinagawa ng kongreso patungkol sa Mamasapano clash.

Ito ayon kay Local Monitoring Team Jabib Guibar sa panayam ng DXVL News.

Aniya ay nag- aagawan umano ng mikropono ang mga kasapi sa Kongreso upang makita ng kanilang mga constituents at ng mga tao na sila umano ay dumalo sa nasabing hearing.

Dagdag pa ni LMT Guiabar na maaring nagpapakitang gilas lamang ang mga ito dahil malapit na umano ang eleksyon.

Samantala, inihayag naman ni Guiabar na ang nakakalungkot sa naganap na hearing ay reaksyon ng karamihan na sumasang- ayon sa all out war sa kabila ng pahayag ng mga militar na hindi maganda ang pagkakaroon muli ng gyera.

Kung may pagkakamali umano na nangyari sa Mamasapano ay huwag na sanang dagdagan pa ng isa pang pagkakamali kung saan ay marami na namang buhay ang mawawala.

Sinabi pa nito na hindi umano dapat na pakinggan ang mga nagsasabi at umaayon sa all- out- war sagkat karamihan umano sa kanila ay mga taong nasa maayos na kalagayan at malayo sa maaring pangyarihan ng gyera.

Dagdag pa niya na kapag may nangyari nanaman umanong gyera ay makikibalita lang naman sila at hindi naman sila maaapektohan sa mga kaganapan.
Samantalang sila naman na nasa Mindanao ay naghihirap lalo na sa tuwing may nagaganapa na mga kaguluhan.
Ngunit hindi naman nawawalan ng pag- asa si Guiabar na maipagpapatuloy parin ang malapit na umano sanang matapos na usaping pangkapayapan o ang pagsusulong ng Bangsamoro Basic Law o BBL at hindi maaapektuhan sa nangyari sa Mamasapano.

Samantala, inihayag naman ni Local Monitoring Team Guiabar ang kanyang naging damdamin sa pahayag ni Senador Cayeta patungkol sa mga Bangsamoro na sila umano ay mga Terorista.

Nagbigay naman siya ng depenisyong patungkol sa terorista na ito umano ay ang sino mang magpapasimuno ng kaguluhan at magiging sanhi ng pagkakawatak- watak ng sambahayang Pilipino.

Diin pa ni Guiabar, ang terorista umano ay ang mga senador na nagnanais ng gyera. Tulad na lamang umano ni Senador Cayetano na nagnanais ng gyera sa Mindanao, siya umano ang terorista.

Nananawagan naman si Local Monitoring Team Jabib Guibar sa mga Kapatid niyang mga Moro pati na rin sa mga Kristyano na manatiling Mahinahon at h’wag making sa sinasabi ng iba na magdudulot ng di maganda sa ating bayan.

Ipagpatuloy umano nating mga taga- Mindanao ang ating samahan dahil tayo umano ang higit na nakakaalam ng makabubuti para sa atin sa Mindanao. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento