(Kabacan,
North Cotabato/ February 16, 2015) ---Magdaragdag ng bagong ruta ang Kabacan
Terminal Complex sa mga Rural Transit Bus pa Biyaheng Cagayan via Kabacan to
Gensan at sa bago nitong ruta na
Cotabato via Kabacan to Cagayan sakaling aaprubahan ng Land
transportation Franchise and Regulatory Board o (LTFRB).
Ito
umano ay bunsod ng pag-aaply ng bagong prangkisa sa mga rural bus.
Sa
panayam ng DXVL News kay Kabacan Terminal Complex, Officer in Charge of Rural
Transit and Mindanao Star Bus Line Armando Lu Sr. ipinaliwanag nito ang iba
pang dahilan sa pagbabago ng ruta.
May pagbabago din sa pangalan ng Weena
Bus tinatawag na Mindanao Star Bus Transport
Incorporated dahil nabili umano ng Bachelor company.
Ang Mindanao Star Bus ay mananatili parin sa
dating ruta ng weena.
Dagdag pa ni Lu, sakaling aaprubahan ito ay
mas magiging maganda na
ang biyahe ng mga pasahero. Vanessa Jane Reyes
0 comments:
Mag-post ng isang Komento