(Kabacan, North Cotabato/ February
17, 2015) ---Kinumpirma ni MILF Civil Military Chief Von Alhaq na mga miyembro
ng (BIAF) Bangsamoro Islamic Armed Forces na sa ilalim ng kanilang pamunuan at
mga miyembro ng BIFF ang nagkakagirian at nagkasagupaan sa boundary ng bayan ng
Pikit at Pagalungan.
Ito ang naging pahayag ng opisyal sa
panayam ng DXVL News.
Anya, hindi umano magkasundo ang
dalawang grupo sapagkat magkaiba umano sila ng hangarin at layuni ang kanilang
grupo ang ng kabila.
Kinumpirma rin ni alhaq na meroon
ngang namatay na isang MILF kumander ngunit namatay ito dahil sa sakit at hindi
dahil sa sagupaan.
Dagdag pa ng opisyal na nagpapatuloy
pa umano ang tensiyon sa lugar sa pagkat naroon pa rin ang presensya ng
dalawang armadong grupo at nag-iisip na rin sila ng paraan masolusyunan ang
nasabing girian. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento