Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Disaster and Crisis Lead ng EDC, nagbahagi ng kaalaman re: paghahanda ng mga media sa anumang sakuna

(Kidapawan City/ February 13, 2015) ---Binigyang diin ng Disaster and Crisis Lead Energy Development Corporation ang kahalagahan ng pagiging handa ng media sa ano mang sakuna o disaster na nangyayari.

Sa panayam ng DXVL news kay Dr. Ted Esquera ng Disaster and Crisis Lead Energy Development Corporation ipinaliwanag niya na ang media ay katulad din ng mga nagtatarabaho sa National Disaster Risk Reduction management Office o NDRRMO, CDRRMO, mga kapulisan at kasundaluhan na dapat may dala na ready disaster kit upang may nadudukot sa panahon ng kalamidad.

Aniya ang media ay tulad din ng sundalo na dapat ay last man standing dahil may papel na ginagampanan sa kumunidad na mag bigay impormasyon at magbigay babala sa pamamagitan ng radio, telebisyon o dyaryo.

Dapat umano ang mga prime movers ay maging ihemplo sa paghahanda.

Dagdag pa ni Dr. Esquera na ang dapat unang kailangan paghahandaan ay ang way of life sa pang araw araw na tulad ng paghahanda sa educational plan ganun din daw umano ang paghahanda sa disaster plan. Dapat ito umano ay pinaplano at pinag uusapan ng pamilya. 

Ito ay kampanya ng bawat isa ng bawat pamilya at ng bawat komunidad.

Adhikain nito na maituro sa mga tao ang life saving skills kapartner ang gobyerno at disaster upang sa susunod na kalamidad ay kukunti na lang ang maging biktima.

Malaki din ang ginagampanan ng mga mamamahayag na magbigay impormasyon sa mga tagapakinig ng mga dapat gawin bago ang sakuna at ang mga paghahanda dito, giit pa ni Esquera.

Nagbigay din ng paalala ang doctor lalo na sa mga media na may obligasyon hindi lamang magbigay ng impormasyon sa mga tao sa kailangang paghahanda kundi maging model na maaring mag reform o magtransform sa komunidad sa maaring maging gawin kung sakaling may kalamidad na dumating sa bayan ng Kabacan. Christine Limos and Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento