Patay
na nang madatnan ng mga otoridad ang isang tricycle driver sa Dona Teresa,
Poblacion 2, Cotabato pasado alas singko
ng madaling araw kahapon.
Kinilala
mismo ng kanyang kapatid ang biktima na si Uyag Bandol, 25- anyos, na taga
Meriam Ville Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon
sa report ni Police Station 2 Chief of Police Sr.Ins. Efren Salazar naglalakad
lamang ang biktima sa nabanggit na lugar ng biglang pagbabarilin ng suspek
sakay ng motorsiklo.
Nagtamo
ng tama ng bala si Uyag sa kanyang katawan gamit ang di pa matukoy na uri ng
baril.
Sa
inisyal na imbestigasyon ng pulisya may deperensya sa pag iisip ang biktima
bagay na kinumpirma naman ng kanyang kapatid kaya hirap malaman ng mga otoridad
kung may naka-alitan ba ito na posibleng maging dahilan sa pagkakabaril sa
kanya.
Sa
ngayon naiuwi na sa bayan ng Sultan Kudarat ang ang bangkay ni Bandol habang
patuloy na iniimbetigahan ang insidente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento