(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Pansamantalang
napahinto ngayon ang pangangalaga ng Water Shed Area na sinasakupan ng Kabacan
Water District o KWD sa brgy. Pisan dahil sa walang habas na pamumutol ng kahoy
doon.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General
Manager Ferdie Mar Balungay.
Ayon sa opisyal abot sa 150 ektarya ng
kagubatan doon ang tinukoy na water shed area ng KWD.
Pero sa ngayon nanganganib na ito dahil sa
talamak na illegal logging sa lugar.
Kaugnay nito patuloy ngayong pinakikilos ng
pamahalaang Lokal ng Kabacan ang MENRO para imonitor ang walang habas na
pamumutol ng kahoy doon.
Sa report ni Supt. Jordine Maribo, hepe ng
Kabacan PNP nasabat nila ang abot sa 800 board feet ng illegally cut logs sa
Barangay Pisan, North Cotabato nitong Biyernes.
Nanguna sa nasabing kampanya kontra illegal
logging ang Kabacan PNP, MENRO, DENR, militar at mga barangay officials doon.
Hindi pa matukoy kung anung klase ng mga
troso ang nakumpiska.
Nakatakda namang i-turn-over ito sa DENR ang
mga nasabat na illegal cut logs ng inabandona ng mga suspek.
Sa ngayon, patuloy na pinapaigting ng mga
otoridad ang kanilang kampanya kontra illegal logging upang matukoy ang mga
nasa likod ng pammumutol ng mga kahoy sa protected area ng lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento