(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014)
---Sumampa na ngayon sa lima katao ang naiulat na nasawi sa nangyaring paglusob
ng mga rebeldeng grupo sa himpilan ng Pres. Roxas PNP nitong Martes ng madaling
araw.
Ito ang sinabi kahapon ni 57th IB
Commanding Officer Lt. Col. Nilo Vinluan matapos na marekober nila ang dalawa
pang kasapi ng New People’s Army o NPA sa bahagi ng Sitio tambiringan, Brgy.
Basak, Magpet, North Cotabato.
Una dito, ibinunyag ni Vinluan na planu
sanang atakehin ng mga rebeldeng grupo ang Detachment ng Gubatan na malapit sa
hangganan ng Pres. Roxas at Magpet pero dahil sa nahihirapan ang mga rebelde
ibinaling nila ito sa Pres. Roxas PNP.
Hindi naman umabot ng matagal ang naturang
engkwentro matapos na umatras ang mga rebeldeng ng malaman na napaslang ang
dalawang matataas na lider ng mga ito.
Pero dahil sa mali ang ginawang parking ng
mga malalaking sasakyan, inabandona na lamang ito ng mga rebelde.
Kaugnay nito sinabi naman ni PSSupt. Danilo
Peralta na kinuha na sa kanilang kustodi ang tatlong mga bangkay na nasawi sa
nasabing engkwentro.
Samantala natukoy naman ng pulisya kung sinu
ang may ari ng sasakyan, isa sa mga sasakyan na ginamit ay galing pa ng Mlang
na nirentahan umano ng isang USM Student para humakot ng sand gravel sa Pres.
Roxas pero pagdating sa di matukoy na lugar ay pinarahan ang mga ito at
pinababa ng mga nagpakilalang NPA.
Piniringan at pinasakay sa motorsiklo ang
drayber at mga pahinante ng sasakyan habang tinangay naman ang nasabing elf na
siyang ginamit sa pag-atake nila.
Ang isa pang sasakyan ay nabatid na mula sa
brgy. Saguing, Makilala habang ang isa pa na ngayon ay nasa kustodiya ng CPPO
ay buhat sa Matalam, North Cotabato. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento