Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

'Diversionary tactics' ginawang paglusob ng NPA sa Pres. Roxas PNP; 2 sa 3 namatay ay mataas na kumander patay ng NPA

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 21, 2014) ---Itinuturing ni PSSupt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office na bahagi ng diversionary attack ang ginawang paglusob ng mga New People's Army (NPA) sa President Roxas municipal police station kung saan tatlong mga miyembro nito ang napatay at isa ang sugatan.


Kinilala ng opisyal ang mga napatay na NPA na sina Ronald “Kumander Revo” Arnado, Alyas Totoy Gamay, at si Ibot Gumay na taga Sitio Buay-Buay Basak, bayan ng Magpet, North Cotabato.


Sugatang nasakote ng mga awtoridad si Orly Gabison na taga- Barangay Amabel sa nasabing bayan.

Sa panayam ng DXVL News sa opisyal mahigit dalawang buwan na ng magkaroon ng militar operation sa mga kabundukan ng Arakan at Pres. Roxas dahilan para mahirapan ang mga rebeldeng grupo doon.

Sinabi ni Peralta na tulad ng ginawa ng mga rebelde sa ibang lugar sa Pilipinas kapag nahihirapan sila sa kabundukan dahil sa military operation bababa sila at pinagbabalingan ang mga kapulisan.

Tinukoy pa ng Provincial Director na “soft target” kasi ang PNP dahil hindi naman ito combatant kundi nagseserbisyo lamang sa mamamayan.

Samantala pasado alas- 3:30 ng madaling araw nang umatake ang mga rebeldeng lulan ng tatlong trak sa nabanggit na himpilan ng pulisya.


Gayon pa man, nakahanda sina P/Senior Inspector Bernabe Rubio, hepe ng President Roxas PNP kung saan nagmaniobra at  pina­ngunahan ang pagsagupa kasama ang 20 pulis laban sa mga umaatakeng rebelde. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento