Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grade 1 pupil, sugatan makaraang barilin habang namumulot ng mangga sa Matalam, North Cotabato!

(Matalam, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP sa pagbaril sa isang Pitong taong gulang na grade 1 pupil habang namumulot ng bunga ng mangga sa sakahan sa Purok Azucena, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng hapon kamakalawa.

Ang biktima na si Carding hindi niya tunay na pangalan at anak ng isang empleyado ng Direk Wood Enterprises at residente ng Brgy. News Rizal, Mlang kasama ng kanyang apat na kaibigan ay namumulot ng mga bunga ng manga.

Nang barilin ang mga ito ng di pa nakilalang suspek sa sakahan ng mangga na pag-mamay-ari ng isang Jose Alejo.

Ayon kay PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP nagtamo ng tama ng bala sa kanang balikat nito ang biktima na agad namang isinugod sa Babol General Hospital at sa di kalaunan ay inilipat sa Cotabato Provincial Hospital.

Sinabi ngayong umaga sa DXVL ni SPO1 Froilan Gravidez na ginagamot na ngayon ang biktima sa Davao Medical Center sa nasabing lungsod.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento