(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014)
---Iginiit ng pamunuan ng University of Southern Mindanao na hindi ito magtatas
ng bayarin sa matrikula.
Ito ang inihayag sa DXVL News kahapon ni USM
Spokesperson at University Public Relations and Information Office Director Dr.
Rommel Tangonan.
Aniya walang pagbabago sa matrikula ng mga
mag-eenrol sa nasabing pamanatasan sa kabila ng tuition hike sa ibang mga koliheyo
at unibersidad sa SOCCSKSARGEN Region.
Napag-alaman na isa ang USM sa may
pinakamababang matrikula hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa buong
Region 12 na patuloy na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon.
Samantala kinumpirma ni
Commission on Higher Education 12
regional director Maximo Aljibe, na
“good as approved” na ang
petisyon ng 13 paaralan para magtaas ng
mula 5% hanggang 7.34% sa kanilang
tuition. Rhoderick Beñez with
report from Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento