Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahabang oras na brownout sa service area ng Cotelco naibsan!

(Kabacan, North cotabato/ May 23, 2014) ---Bagama’t kaunti na lamang ang ipinapatupad na load curtailment sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco hindi pa rin ito stable ang kalagayan ng kuryente sa ngayon.

Ito ang sinabi sa DXVL News kahapon ni cotelco spokesperson Vincent Baguio.

Aniya, sa kasalukyan ay mababa lamang ang load deficiency na ibinaba ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kooperatiba dahilan kung bakit lumiit din ang oras na ipinapatupad na load curtailment ng Cotelco.

Sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan sinabi ni Baguio na bumaba ang water level sa mga planta ng Hydro power plant partikular na sa Pulangi.

"Sa ngayon wala po kaming hawak sa data ng Pulangi ng Power Plant kung ilang megawatts ang kanilangna-gegenerate sa ngayon" dagdag pa ni Baguio.

Sa ngayon patuloy na ipinapatupad ng kooperatiba ang dalawang oras na load curtailement at ito ay batay naman sa advice ng NGCP. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento