(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Ilalarga
na ng Department of Education o DepEd Cotabato Division ang nakalatag na
Brigada Eskwela na magsisimula ngayong araw hanggang sa Biyernes Mayo a-24.
Ito ang sinabi ni Cotabato School’s Division
Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Sa Hunyo a-2 pa umano magbubukas ang klase
sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskwelahan para sa school year
2014-2015.
Ayon kay Obas layunin ng Brigada Eskwela na
kilala rin bilang National School Maintenance Week (Mayo 19-24), ang
mala-Bayanihang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa paglilinis, pagkukumpuni
ng mga eskwelahan sa buong probinsiya.
Bukod sa mga magulang ng mga bata,
hinikaya’t din ng opisyal ang lahat ng sektor na makiisa sa gagawing Brigada
Eskwela.
Nitong Biyernes ay nagsimula ang Kick Off
Activity nila sa Apostol Memorial Elementary School sa Magpet, North Cotabato
na nilahukan ng mga School Heads.
Maliban sa paglilinis, inilunsad din nila
ang Brigada Eskwela Plus, kung saan binibigyan ng libreng gupit, school
supplies at marami pang iba ang ilang mga benepesyaryong mag-aaral sa nasabing
Brigada Eskwela Plus. Rhoderick Beñez
with report from USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento