(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Upang
pagtibayin pa ang ugnayan ng pamahalaang lokal ng Kabacan sa mga mamayan nito,
ginanap kahapon ang Baranggayan sa brgy Osias, kabacan Cotabato.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa
pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at sa pagtutulongan din ng mga
barangay officials sa nabanggit na lugar.
Ang nasabing aktibidad ay may libreng ice
cream at tsinelas, para sa mga bata, libreng BP para sa mga senior citizen.
Namigay din ang LGU ng libreng bigas para sa
mga residente, feeding program at marami pang iba.
Lumahok ang mahigit dalawang daan at limampu
na mga bata at mahigit isangdaang senior citizen. Regine Lanuza USM DevCom intern DXVL news.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento