(North Cotabato/ May 20, 2014) ---Bulagta
ang tatlong mga rebeldeng New People’s Army o NPA habang sugatan naman ang hepe
ng President Roxas municipal police station matapos na inatake ng mahigit 80
miyembro ng New People's Army (NPA) ang nasabing police station alas-3:30
kaninang madaling araw.
Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay Police
Senior Supt. Danilo Peralta, Provincial Director ng North Cotabato isa sa mga
rebeldeng sugatan ang isinugod nila sa isang ospital sa lalawigan kungsaan
mahigpit itong binabantayan ngayon ng mga pulisya.
Malaki ang paniniwala ng opisyal na planu ang
ginawang pag-atake ng mga rebelde ngunit agad nakaresponde alas-4:00 kaninang
madaling araw ang mga tauhan nito na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong mga
NPA matapos na marekober ang kanilang mga bangkay.
Sa hiwalay na interbyu ng DXVL News ngayong
umaga kay PSI Jojet Nicloas ang Spokesperson ng CPPO sinabi nitong sugatan si
S/Insp. Bernabe Rubio ang chief of police ng Pres. Roxas PNP matapos madaplisan
ng bala sa ulo na agad dinala sa pinakamalapit na bahay pagamutan habang ligtas
naman ang iba pang on duty na pulis.
Lulan ng tatlong mga sasakyan ang mga rebeldeng
grupo ng atakehin nila ang nasabing himpilan ng pulisya kungsaan inabandona
nila ang isang elf na naiwan sa harap ng istasyon.
“Lahat ng sasakyan ng President Roxas Police
ay kanilang sinira, matatagalan pa bago ito kumpuni dahil pati mga makina ng
sasakyan ay sirang-sira, pati harap ng Police station tadtad rin ng bala
mahigit sa isang libu na butas ang tama ng bala sa harap at likod ng istasyon”,
wika ni Peralta.
Narekober malapit sa police station ang
isang elf truck na ginamit ng mga rebelde mga baril na M-14, M-16 armalite rifle,
pistola, granada at mga bala na di pumutok kasama na ang M203.
Kinilala ni 57thIB Commanding Officer Lt Col
Nilo Vinluan ang mga miyembro ng NPA na nasawi sa Pres. Roxas Police Station
attack na sina : Ronald Arnado alyas Kumander Revo, Alyas Totoy Gamay at Ibot
Gumay na taga sitio Buay Buay Basak Magpet Cotabato. Ang sugatan na nasa
ospital ngayon ay kinilalang si Orly Gabison na taga Amabel, Magpet.
“Planu ang ginawang pang-aatake ng rebeldeng
grupo at diversionary tactics nila ito dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa kasing
operasyon ng mga kasundaluhan natin sa bulubunduking bahagi ng Magpat at Arakan
mag lugar na pinagkukutaan ng NPA” dagdag pa ni SSupt. Peralta.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit
operation ng pulisya sa mga tumakas na mga rebelde habang naka-hightened alert
ang President Roxas municipal police station dahil sa pangyayari kungsaan
dinagdaganna rin ang pwersa ng Pres. Roxas PNP. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento