(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Tiniyak
ng pamunuan ng Kabacan Water District na hindi maaapektuhan ang kanilang
serbisyo sa tubig kahit paman papalapit ang tag-tuyot, na ayon sa pag-asa ay
magsisimula ngayong buwan ng Hunyo.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General
Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan kada buwan ay may ginagawa silang
monitoring at hindi naman naapektuhan ang pagbaba ng water level nila.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang
ginawang pagpapasinaya sa Pump Station 3 na nasa bahagi ng Municipal compound
nitong Biyernes.
Ayon kay GM Balungay, ang pump station
number 3 ng Kabacan Water District ay simbolo ng ugnayan ng Pamahalaang Lokal
ng Kabacan dahil dito rin nagsimula ang KWD bago paman na-i-turn-over ito.
Sa ngayon abot sa 5,500 households ang
siniserbisyuhan ng Kabacan Water District sa labinlimang mga barangay na
nasasakupan nila.
Suportado naman ni Kabacan Mayor Herlo
Guzman Jr., ang programa ng Kabacan Water District kungsaan ang alkalde ang
pangunahing pandangal sa nasabing dedication at inauguration.
Si Pastor Josue Solomon naman ang nagbigay
ng pagpapalang panalangin sa dedication ng bagong Pump Station 3 ng KWD. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento