Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Temporary stalls itatayo para sa mga apektado ng Midsayap Mega Market Project


(Midsayap, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Planong magtayo ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ng temporary stalls para sa mga maaapektuhan ng demolisyon at konstruksyon ng New Mega Market Project.

Isa ito sa mga pangunahing usapin na tinalakay kahapon sa pagpupulong ng Midsayap Municipal Development Council sa ABC Hall ng bayan.

Municipal ports hiniling na maitayo sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isusumite ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga dokumentong humihiling sa Department of Transportation and Communication o DOTC na makapagpatayo ng municipal ports sa Pikit, North Cotabato.

Ito ang tugon ng opisyal sa magkahiwalay na sulat- komunikasyon ng dalawang barangay sa bayan ng Pikit na nagnanais mapatayuan ng nasabing proyekto.

Libung halaga ng Marijuana, binunot ng Carmen PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Tinatayang aabot sa P25,000 ang halaga ng Marijuana na binunot ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Baroyon, barangay Macabenban, Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing operasyon si Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP.

Bangkay ng Lalaki na sinalvage, natagpuan sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Sitio Bunawan, Malapag, Carmen, North cotabato alas 6:30 kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Carmen PNP ang nasabing bangkay ay natagpuan ng mga residente malapit sa tulay na nasa gilid ng Sayre National Highway.

Pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan, tinututukan din ng bagong Bise Alkalde ng bayan

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Iginiit ngayon ni Vice Mayor Myra Dulay Bade na tinututukan din nila sa Sanggunian ang pagsugpo ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan katuwang si Mayor Herlo Guzman Jr.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan matapos ang mga nangyayaring krimen sa bayan.

SB Kabacan, di pa nakasumite ng Annual Budget para sa 2014

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Pag-uusapan pa umano ang nilulutong pondo ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Kabacan makaraang di pa nakapagsumite ang Sangguniang Bayan ng kanilang annual budget sa probinsiya.

Ito ang sinabi kaninang umaga ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Panukalang paglalagay ng CCTV sa mga malalaking establisiemento sa Kabacan, isinusulong ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Isinusulong ngayon ng Sangguniang Bayan ang paglalagay ng Closed Circuit Television o CCTV sa mga malalaking establisiemento sa bayan ng Kabacan.

Ito matapos ang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan kagaya ng pambobomba, pamamaslang, nakawan ng motorsiklo at ilan pang mga kahalintulad na krimen.

(Update) Lalaki na nalunod sa Rio Grande de Mindanao, natagpuan na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Bangkay na ng matagpuan ang 22-anyos na lalaki makaraang malunod sa ilog ng Rio Grande de Mindanao kamakalawa.

Sa report ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer David Don Saure nakita ng mga residente sa Kulanguan Bridge na nasa Bahagi ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao si Tata Malugaya alas 6:00 kagabi.

Buwan ng Wika, pinaghahandaan na ng Kabataang Maka-Pilipino ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Pinaghahandaan na ngayon ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang pagdiriwang ngayong taon ng buwan ng wika.

Ayon sa pamunuan ng Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino inilatag na nila ang iba’t-ibang mga programa hinggil dito kungsaan sisimulan ang pambungad na palatuntunan bukas sa entablado ng DD Clemente na nasa loob ng USM Main campus sa ganap na ika-pito ng umaga.

COTELCO service area, muling makakaranas ng brownout ngayong Agusto

(Matalam, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Aasahan na umanong makakaranas ng rotational brown-out ang service area ng Cotabato Electric Cooperative Inc., Cotelco sa pagpasok ng buwan ng Agosto.

Pero ayon kay Cotelco Manager Engr. Godofredo Homez, mas maikli ang oras na walang supply ng kuryente sa service area.

7.5 M PDAF projects sa North Cotabato 1st District nakumpleto na

(Midsayap, North Cotabato/ July 31, 2013) ---Naglabas ng buwanang- ulat ang Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District Office na nagpapakita sa mga proyektong natapos nang ipatupad ng ahensya.

Bahagi ng report ang mga nakumpletong proyekto sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund o PDAF ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan.

K9 Unit ng PNP maglilibot sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 31, 2013) ---Ipinakakalat na ngayon sa iba’t-ibang sulok ng Kidapawan City ang K9 Unit ng Army Explosive Ordnance Division at City PNP Unit.

Ito ayon kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa banta ng terorismo.

Harassment sa isang konsehal ng Kidapawan, kinondena ng Makabayan North Cotabato

(Kidapawan City/ July 31, 2013) ---Mariing kinondena ng makabayan party ang nangyaring paniniktik at harassment sa standard bearer nitong si Councilor Ruby-Padilla Sison nito lamang nakaraang linggo.

Paniwala ng grupo na ang pagiging kritikal  at agresibo sa pagtutol sa napakaraming mga kontrobersiya sa loob ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang nakikitang dahilan ngayon ng grupo sa banta sa buhay ng nabanggit na konsehala, bagay na ikinabahala rin ng progresibong grupo.

22-anyos na lalaki, nalunod sa Rio Grande de Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2013) ---Patuloy pang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang isang 22-anyos na lalaki makaraang malunod ito sa bahagi ng Rio Grande de Mindanao na nasa Kalakat, Sitio Malabuaya, Kayaga, aKabacan, Cotabato alas 4:30 kahapon ng hapon.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure, kinilala ang biktima na si Tata Malugaya at tubong Sitio Punol ng nabanggit na lugar.

Kasalan ng Bayan, itatampok sa 66th founding Anniversary ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2013) ---Isasagawa ang Kasalan ng Bayan sa Agosto a-15 ng taong kasalukuyan bilang bahagi ng programa sa ika-66 na taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan.

Sinabi ni Administrative Officer Cecilia Facurib na bukas na ang LGU sa mga magkasing-irog na gusting magpapatala sa nasabing aktibidad.

Mga sidewalk vendor na wala sa lugar sa Kabacan, tatanggalin

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2013) ---Matapos na mabigyan ng abiso ang mga sidewalk vendor sa bayan ng Kabacan na bawal ang mga ito na magtinda sa National highway.

Aalisin na at babaklasin na ang kanilang mga paninda anumang araw simula ngayon na pamumunuan ng MENRO Kabacan at Kabacan PNP batay sa direktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr.

Short circuit dahilan ng sunog sa UMMPC

(USM, Kabacan, Cotabato/ July 29, 2013) ---Kulang-kulang P10thousand lamang ang danyos sa nangyaring sunog sa Multi-Media Production Center na nasa loob ng University of Southern Mindanao noong gabi ng Sabado.

Sa panayam ng DXVL News kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guaimalon, short circuit lamang ang naging dahilan at wala silang nakikitang anggulo na sinadya ang nasabing sunog batay sa kanilang ginawang imbestigasyon.

50-anyos na brgy opisyal, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2013) ---Sugatan ang isang 50-anyos na barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Kabacan Public Market, Poblacion, Kabacan alas 12:20 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Leopolfo Morqueda, may asawa, miyembro ng konseho ng brgy Liliongan bayan ng Carmen.

66th Founding Anniversary ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2013) ---Aminado ang Pamahalaang Lokal ng bayan ng Kabacan na hindi masyadong napaghandaan ang nalalapit na fiesta ng bayan ngayong taon.

Ito dahil sa kakapusan ng oras at ang nangyaring transisyon sa pamamahala matapos ang nakaraang eleksiyon ang dahilan kung bakit di napagtuunan ng pansin ang 66th founding anniversary ng Bayan.

(Update) Granada, ginamit sa pagpapasabog sa USM, Kabacan, Cotabato; strafing incident, naitala din sa loob ng Pamantasan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 29, 20134) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kapulisan sa panibagong pagsabog ng granada sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kagabi.                                                                                                                                               
Sa panayam ng DXVL News kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sumabog ang granada sa likurang bahagi ng Administration building ng USM may anim na metro ang layo mula sa gusali.                                

BREAKING NEWS: USM, Kabacan, ginulantang ng malakas na pagsabog ngayong gabi lamang

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2013) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan pasado alas 9:00 ngayong gabi lamang.

Batay sa inisyal na report ng Kabacan PNP nasa likurang bahagi umano ng USM Admin Building sumabog ang di pa mabatid na uri ng ekplosibo.