(Pikit,
North Cotabato/ August 2, 2013) ---Isusumite ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga
dokumentong humihiling sa Department of Transportation and Communication o DOTC
na makapagpatayo ng municipal ports sa Pikit, North Cotabato.
Ito ang tugon ng
opisyal sa magkahiwalay na sulat- komunikasyon ng dalawang barangay sa bayan ng
Pikit na nagnanais mapatayuan ng nasabing proyekto.
Partikular na dito
ang mga pamahalaang pambarangay ng Nabundas at Buliok na umaasang mabibigyan ng
prayoridad ang kanilang kahilingan.
Suportado naman ng
lokal na pamahalaan ng Pikit ang inisyatibong ito.
Sa katunayan ay
ipinadala na ni Mayor Sumulong Sultan ang ilang mahahalagang dokumento sa Unang
Distrito ng North Cotabato na siyang nagpapatunay sa higit na pangangailangan
ng mga mamamayan na magkaroon ng nabanggit na pasilidad.
Kung maisasakatuparan,
ang municipal ports na ito ang magsisilbing pangunahing pasilidad na gagamitin
ng mga residente sa lugar upang ihatid sa pamilihang bayan ang kanilang mga
produkto mula sa Liguasan Marsh at Rio Grande de Mindanao.(Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento