Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Lalaki na nalunod sa Rio Grande de Mindanao, natagpuan na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2013) ---Bangkay na ng matagpuan ang 22-anyos na lalaki makaraang malunod sa ilog ng Rio Grande de Mindanao kamakalawa.

Sa report ni Municipal Disaster Risk Reduction Officer David Don Saure nakita ng mga residente sa Kulanguan Bridge na nasa Bahagi ng Tunggol, Datu Montawal, Maguindanao si Tata Malugaya alas 6:00 kagabi.

Matatandaan na nalunod ang biktima habang sakay sa Bangka ng maanud dahil sa malakas na ipu-ipo na nabuo sa nasabing ilog.

Makalipas ang tatlong araw ay natagpuan na ang biktima kungsaan agad namang itonginilibing batay sa tradisyon ng mga muslim.


Kaugnay nito, nagpaalala si Saure sa mamamayan na maging maingat sa paglalayag sa mga ilog at gabayan naman angmga bata sa paglalaro sa tabing ilog dahil sa malakas na agos ng mga ilog sa ngayon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento