Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga JO’s, casuals at mga coterminous ng LGU Kabacan; di muna ni-renew

(Kabacan, North Cotabato/ July 13, 2013) ---Nilinaw ng bagong administrasyon ni Mayor Herlo Guzman Jr., na hindi nito tinanggal ang mga Job Orders, casuals at mga coterminous na mga empleyado ng LGU Kabacan, bagkus ay nagtapos na ang kanilang kontrata nito pang Hunyo a-30.

Marami kasi sa mga Job orders sa munisipyo ang hindi na ni-renew ng bagong administrasyon dahil ilan sa mga ito ay hindi na kailangan.

NGCP nagkaroon ng Under Frequency, dahilan ng power interruption

(Matalam, North Cotabato/ July 13, 2013) ---Nagkaroon ng under frequency sa system ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, dahilan ng panaka-nakang power interruption.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco General Manager Godofredo Homez matapos na nagpatupad sila ng 4megawatts na load curtailment sa ilang service erya ng Cotelco.

Mga bagong Service Firearms, hindi pa dumating sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2013) ---Wala pang mga bagong baril na dumating ngayon sa Kabacan PNP matapos na iniulat ng Philippine National Police na darating ngayong linggo ang bagong Glock na pistol.

Ito ang nabatid ng DXVL News mula sa Kabacan PNP ngayong araw.

Kabacan, napiling recipient ng NGO sa paglaban konta malnutrisyon

(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2013) ---Matapos mapabilang sa ikatlong may mataas na malnutrisyon prevalence rate ang bayan ng Kabacan nitong nakaraang taon.

Napili ngayon ang Kabacan na isa sa mga recipient na programa ng Non Government Organization na Moderate Acute Malnutrition Management Partnership for Implementation Localization and Technology Transfer o MAMM PILOT Program.

Mister, patay sa pamamaril; suspek, nasakote ng Carmen PNP

(Carmen, North cotabato/ July 11, 2013) ---Patay ang isang mister makaraang barilin sa Purok 2, Poblacion, Carmen, North cotabato alas 8:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Boyet Dumili, nasa tamang edad, may asawa at resident eng Sitio Dumayas, Brgy. Maligaya, Malaybalay Bukidnon.

USM Pres. Derije, bumaba na sa kanyang pwesto

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 11, 2013) ---Tuluyan ng bumaba sa kanyang pwesto si USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije makaraang lagdaan nito ang fallback position bilang University Professor.
         
Ito ang sinabi ni Dr. Derije sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay na rin ng pagkumpirma ng nasabing ulat mula kay OIC Pres. Christopher Cabilen.

Sinabi ni OIC Cabilen na isa ito sa mga tatalakayin sa gagawing BOR meeting ngayong araw.

Mister, patay sa pamamaril; suspek, nasakote ng Carmen PNP

(Carmen, North cotabato/ July 11, 2013) ---Patay ang isang mister makaraang barilin sa Purok 2, Poblacion, Carmen, North cotabato alas 8:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Boyet Dumili, nasa tamang edad, may asawa at resident eng Sitio Dumayas, Brgy. Maligaya, Malaybalay Bukidnon.

Mga motorsiklong walang plaka, kinumpiska sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ July 10, 2013) ---Abot sa 86 na mga motorsiklo’ng walang plaka ang kinumpiska ng PNP at ng mga traffic enforces sa Kidapawan City nang ilunsad nila ang Oplan Lambat Bitag, kanina.

Ang iba sa mga motorsiklo kwestyunable ang mga papeles nang sitahin ng mga pulis sa national highway.

Mahigit sa 3 libung mga residente ang naapektuhan sa nagdaang giyera sa North Cotabato, binigyan na ng tulong ng LGU Pikit

(Pikit, North Cotabato/ July 10, 2013) ---Abot sa 3,697 na mga residente ang nagsilikas matapos na maipit sa nagdaang giyera sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ang nasabing mga residente ay buhat sa dalawang mga brgy ng Paidu Pulangi at Macasendeg na naipit sa nagdaang bakbakan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at ng tropa ng military.

1 patay, 4 sugatan sa kambal na pagsabog sa Cotabato City

(Cotabato City/ July 10, 2013) ---Niyanig ng dalawang malalakas na pagsabog ang Cotabato city, kagabi.

Batay sa report ng Cotabato city PNP, unang sumabog ang isang pinaniniwalaang m203 grenade launcher sa Manara street, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod eksaktong alas 8:45 Kagabi.

Mahigit 4 na libung residente sa Pigcawayan, apektado ng pagbaha

(Pigcawayan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Abot sa 4,676 na mga residente sa apat na barangay sa bayan ng Pigcawayan sa lalawigan ng North Cotabato ang naapektuhan dahil sa pagtaas ng tubig baha dala ng malakas na buhos ng ulan nitong nakaraang araw.

Sa pinakahuling data ni Socil Welfare Officer Mariam Joy Quilban kabilang sa mga barangay na lubog sa tubig baha ay ang mg Brgys ng Bulucaon , Datu Mantil , Upper Pangankalan at ang Lower Pangankalan.

Reward System, isusulong ng Kidapawan PNP

(Kidapawn City/ July 9, 2013) ---Inirekomenda ng hepe ng Kidapawan City PNP na si Supt. Leo Ajero ang reward system sa mga taong makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinarooonan ng mga most wanted person.

Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
Naniniwala si Ajero na hindi magiging epektibo ang kanilang pagkilos kung walang konkreto’ng suporta mula sa mamamayan.

Militar nasa defensive mode kontra BIFF

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Matapos maglunsad ng preemptive at surgical operation ang hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas laban sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nananatili ngayon sa defensive mode ang tropa ng 6th Infantry Division.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala, nirerespeto nila ang paggunita ng Muslim community sa buwan ng Ramadan subalit hindi mag-aatubiling maglunsad muli ng operasyon sakaling magsagawa ng pang-aatake ang grupo ni BIFF Commander Umbra Kato.

Kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan, tumaas sa ikalawang Quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Halos lahat ng barangay sa bayan ng Kabacan ay apektado na ng sakit na dengue.

Ito ang lumabas sa pinakahuling report ni Disease Surveillance and health Emergency Management Coordinator Honey Joy Cabellon kungsaan tatlong beses na mas mataas ang kaso ng dengue sa Kabacan ngayong quarter kumpara sa nakaraang tatalong buwan.

Watawat ng Pilipinas naka-half mast sa Cotabato city, bilang pagluluksa sa mga sundalong nasawi sa labanan

(Cotabato City/ July 9, 2013) ---Naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa Office of the Regional Governor o ORG compound sa Cotabato City.

Ayon kay ARMM executive secretary Atty. Alysa Alamiya, ito ay pagkikiisa sa militar sa pagluluksa sa pagkamatay ng ANIM na mga sundalo na kinabibilangan ng isang military official at limang enlisted personnel.

Mga Estudyante at mga guro sa Maguindanao at North Cotabato, umaapela sa mga naglalabang BIFF at Militar sa Maguindanao na itigil na ang labanan

(Maguindano/ July 9, 2013) ---Bagama’t humupa na ang bakbakan ng sundalo at pangkat ng mga rebeldeng grupo sa magkahiwalay na sagupaan sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao.

Umaapela pa rin ngayon ang mga residenteng diritsang naaapektuhan ng karahasan na wakasan na ang nasabing giyera.

BIFF itinanggi ang report na 18 sa mga tauhan nila nasawi sa 2-araw na bakbakan sa N Cotabato, Maguindanao

(Maguindanao/ July 9, 2013) ---Itinanggi ng taga pagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na si Abu Misry, na may nakalas sila’ng mga kasama sa pakikipagbakbakan nila noong nakaraang linggo sa tropa ng gubyerno sa North Cotabato at Maguindanao.

Sa panayam, sinabi ni Misry na mga sibilyan at hindi mga BIFF ang tinamaan ng mga mortar na pinaulan ng AFP noong Sabado at Linggo.

Ramadan, bukas pa magsisimula matapos na di makita ang buwan kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Bukas pa pormal na magsisimula ang Holy Month of Ramadan o ang pag-aayuno ng mga kapatid na muslim matapos na di makita ang buwan kagabi.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena batay sa opisyal text message na kanyang ipinarating sa himpilan kagabi.

Lola, patay sa pamamaril sa Kabacan, NCot

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2013) ---Bulagta ang isang 63-anyos na lola makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa National Highay, na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Galindo Residence alas 8:30 kagabi.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kabacan PNP ang biktima na si Perla Toledo Balod, biyuda, senior citizen at residente ng nabanggit na lugar.

Hanging bridge sa Libungan, N. Cotabato nakatakdang isaayos

(Libungan, North Cotabato/ July 8, 2013) ---Ikinababahala ng ilang residente ng Syphon Purok 3, Barangay Abaga sa Libungan, North Cotabato ang hindi magandang kondisyon ng hanging bridge sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nagsumite na ng resolusyon ang pamahalaang pambarangay upang ipaalam at hilingin ang interbensyon ng First Congressional District Office ni Rep. Jesus Sacdalan ukol dito.

Mataas na kaso ng nakawan ng motorsiklo, ikinabaha ngmga mamamayan ng Mlang, North Cotabato

(M’lang, North Cotabato/ July 8, 2013) ---Ikinabahala ngayon ng ilang residente ng M’lang, North Cotabato ang pagtaas ng kaso ng nakawan ng motorsiklo sa kanilang lugar.

Ayon kay M’lang PNP Chief of Police Senior Inspector Realan Mamon pinapaigting na nila ngayon ang police visibility sa iba’t-ibang lugar ala-una hanggang alas tres ng madaling raw.

5 patay sa bakbakan ng sundalo at rebeldeng grupo sa hiwalay na engkwentro sa Maguindanao at North Cotabato

(July 8, 2013) ---Isang opisyal ng sundalao at apat nitong kasamahan ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng kanilang grupo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa magkahiwalay na sagupaan sa Maguindanao at North Cotabato nitong Sabado ng tanghali.

Kinilala ni 602nd Infantry Battalion, Philippine Army Capt. Anthony Bulao ang mga nasawing sundalo na sina Lt. Gerardo Flores, PFC Megan Bello at PFC Jonathan Mores habang ang dalawa sa mga nasawing sundalo ang hindi pa kinilala sa report.