(Kidapawn City/ July 9, 2013)
---Inirekomenda ng hepe ng Kidapawan City PNP na si Supt. Leo Ajero ang reward
system sa mga taong makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa
kinarooonan ng mga most wanted person.
Sa pamamagitan nito, mahihikayat
ang publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra kriminalidad.
Naniniwala si Ajero na hindi
magiging epektibo ang kanilang pagkilos kung walang konkreto’ng suporta mula sa
mamamayan.
Aniya, nakatakda niya’ng ilatag
kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang naturang panukala.
Si Evangelista
ang siya’ng chairperson ng Kidapawan City Peace and Order Council.
Ginawa ni Ajero ang rekomendasyon makaraang
maibalik sa kulungan ang takas na preso na si Armando Minoza, sa tulong na rin
ng isang informant.
Matatandaan na si Ajero ay dati
ring hepe ng Kabacan, kungsaan hirap din si Ajero na maresolba ang krimen sa
Kabacan dahil sa kawalan ng kooperasyon ng testigo kahit pa man kitang-kita ng
mga ito ang nagaganap na krimen sa bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento