(Cotabato City/ July 9, 2013)
---Naka-half mast ang watawat ng Pilipinas sa Office of the Regional Governor o
ORG compound sa Cotabato City.
Ayon kay ARMM executive
secretary Atty. Alysa Alamiya, ito ay pagkikiisa sa militar sa pagluluksa sa
pagkamatay ng ANIM na mga sundalo na kinabibilangan ng isang military official
at limang enlisted personnel.
Aniya, kinokondena rin ng ARMM
government ang pagka-ipit sa gyera ng higit isang libong pamilya sa
Maguindanao.
Una nang kinumpirma ni Alamiya
na inihahanda na ang pinansyal na tulong sa ANIM na mga sibilyang napaulat na
nasugatan sa gitna ng gyera sa Barangay Gantang, Shariff Saydona, Maguindanao.
Samantala
sa iba pang mga balita, sugatan ang isang lalaki
maapos tagain ng ‘di pa kilalang suspect sa crossing Mangga, Poblacioon,
Kidapawan City, dakong alas-nuebe kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng Kidapawan City PNP
ang biktima na si Bartolaba Isogon, 28-anyos, na taga Magpet, North Cotabato.
Ayon sa report, nakaupo lamang
sa kanyang nakaparadang motorsiklo ang biktima nang bigla siyang tagain ng
suspect sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Agad dinala sa pinakamalapit na
ospital si Isogon habang patuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa
naturang insidente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento