(Pigcawayan, North Cotabato/ July 9, 2013)
---Abot sa 4,676 na mga residente sa apat na barangay sa bayan ng Pigcawayan sa
lalawigan ng North Cotabato ang naapektuhan dahil sa pagtaas ng tubig baha dala
ng malakas na buhos ng ulan nitong nakaraang araw.
Sa pinakahuling data ni Socil Welfare
Officer Mariam Joy Quilban kabilang sa mga barangay na lubog sa tubig baha ay
ang mg Brgys ng Bulucaon , Datu Mantil , Upper Pangankalan at ang Lower
Pangankalan.
Matinding sinalanta ng pagbaha ang brgy Bulucaon
kungsaan nagsilikas ang mahigit sa isang libung mg residente at pansamantalang
nanunuluyan ngayon sa evacuation center.
Sa ngayon 953 na mga pamilya ang
naapektuhan ng nsabing pgbaha maliban pa sa mga pananim na sinalanta rin ng
tubig baha.
Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na
report ng agriculture office ng Pigcwayan kung magkano ang danyos na iniwan ng pinsala
sa pananim at iba pang mga crops.
Naghahanda na rin ngayon ng tulong ang
pamahalaang local ng bayan kasama ang MSWDO para sa nakatakdang pagbibigay ng
mag relief assistance sa mga biktima. (Rhoderick Beñez with reports from Benny
Queman)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento